^

True Confessions

Ahas sa Garden (333)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

WALA nang ibang maisip na paraan si Brenda kung paano at saan magtatago. Ngayong paliit nang paliit ang kanyang mundo at parang daga na hinahabol ng pusa, ang tangi na lang niyang pag-asa ay kung maki-kita si Alexis. Kapag nakita niya si Alexis, mayroon nang pag-asa.

Nakita na niya sa casino si Alexis at maa-a-ring makita uli niya ito roon. Malakas ang kutob niya na naroon uli si Alexis.

Maingat na maingat na nagtungo si Brenda sa casino na kinakitaan niya kay Alexis. Mailap ang kanyang mga mata at baka mayroong pulis na makakita sa kanya.

Nakapasok siya nang walang problema sa casino. At least kung narito siya sa loob, mahihirapan na siyang mahuli dahil sa rami ng mga tao.

Puwede naman si-yang maglaro ngayon dahil marami pa siyang pera. Marami pang nati-tira sa kinita niya sa pagi-ging courier ng ecstacy. Pero hindi siya maglalaro at ang ipaprayoridad ay ang paghahanap kay Alexis.

Tinalasan niya ang mga mata at baka ma-kalampas si Alexis.

Makaraan ang may dalawang oras na pag-aabang, nakita niya si Alexis.

“Alexis! Alexis!’’

Pero hindi siya nari-nig at tuluy-tuloy sa pag­lalakad.

Hanggang makalabas ito sa casino. Hinabol pa rin niya.

“Alexisss! Alexissss!’’

Nang dalawang lalaki ang biglang sumunggab sa kanya. Mga pulis! (Itutuloy)

vuukle comment

ALEXIS

BRENDA

CASINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with