^

True Confessions

Ahas sa Garden (331)

Pilipino Star Ngayon

Natunugan ni George na may sumusunod sa kanya. Mga parak! Pinaharurot niya ang motor. Hindi siya pahuhuli ng buhay!

Kinabig niya ang motor pakanan patu­ngo sa squatters area sa Tramo. Lumusot siya sa isang eskinita. Ikinaliwa sa isa pang eskinita na maraming naglalaro na mga bata.

Makalampas sa mga bata, nakita niya ang isang abandonadong gusali. Lumi­nga-linga muna siya. Nailigaw niya ang mga humahabol. Ipinasok niya ang motor. Pina­tay ang makina at nagmamadaling dinukot ang cell phone at tinawagan si Brenda.

“Bren, nasundan ako ng mga pulis. Delikado ka na rin, umalis ka na riyan sa condo.’’

“Paanong delikado?’’

“Basta umalis ka na riyan. Delikado ka at tiyak na ako rin. Baka hindi na ako makalabas dito.’’

“Oo! Oo!’’

“Bilisan mo Bren! Bilisan mo….agh!’’

Hindi na natapos ni George ang sinasabi sapagkat isang bala ang tumama sa kanyang ulo.

Dinig na dinig ni Brenda ang haging­ ng bala.

Bang!

“Geoorge!! Geooorge!!!’’

Wala nang sumasagot sa kabila.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN (331)

PARAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with