^

True Confessions

Ahas sa garden (328)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NATULALA si Jambo sa bilis ng pangyayari. Hindi agad siya nakakilos sa pagkakaupo.

“Bababa ka o babarilin kita!” sabing malakas ni Brenda. Naka-helmet pa siya kaya hindi siya naki­kilala ni Jambo.

Saka lamang dahan-dahang kumilos si Jambo. Binuksan ang pinto at lumabas.

Pero bago pa siya tulu­yang nakalabas, pinalo siya ni Brenda ng puluhan ng baril. Sapol sa panga. Sa lakas nang pagkakapalo, nawalan ng panim­bang at bumagsak si Jambo sa may pinto.

“George, buhatin natin ito sa loob ng kotse.’’

Pinagtulungan nilang bi­nuhat si Jambo.

Nang mailagay sa huli­hang upuan. Kinuha ni Brenda ang tape at tali sa kanyang backpack. Piniri­ngan si Jambo at binusalan ang bibig. Tinalian ang kamay at mga paa.

Si George naman ay ma­bilis na iniwan ang motorsiklo sa damuhang bahagi.

Nang matapos si Brenda sa ginagawa kay Jambo, inutusan nito si George na paandarin na ang kotse.

“Alis na tayo! Bilisan mo, George!’’

Binilisan ni George ang pagpapatakbo. Patungo sa direksiyon ng Cavite. Sinu­sulyapan ni Brenda si Jambo sa likuran. Wala pa rin itong malay.

“Makakaganti na rin ako sa hayop na ito!’’

“Mukhang patay na yata, Bren?”

“Hindi. Buhay pa ‘yan.’’

“Ba’t di mo pa tuluyan para pagdating sa Indang, itatapon na lang natin sa bangin at tapos ang pro­blema.’’

“Huwag muna. Gusto ko danasin niya ang hirap. Gaya nang ginawa niya sa akin nun.’’

“Sige ikaw ang bahala. Sunud-sunuran lang naman ako sa’yo.’’

“Pagnatapos ito, maligaya na ako.’’

“Pati ako maligaya rin, he-he-he!”

“Bilisan mo pa George! Baka abutin tayo ng umaga.’’

Tinapakan pa ni George ang gas pedal at para silang bininit na palaso sa bilis.

Nakatingin sa kanilang dinaraanan si Brenda.

Hindi siya nakakaramdam ng antok o kaya’y pagod.

Hanggang sa marating nila ang lugar. (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with