^

True Confessions

Ahas sa garden (285)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG umaga, nag­taka si Jambo nang hindi magisnan si Brenda sa tabi niya. Wala naman ito sa banyo dahil alam niya kapag may tao sa loob. Bumangon siya at sinilip ang maliit na kuwarto na kinaroroonan ng cabinet ng mga damit.

Nakita niya roon si Brenda na iniinspek­siyon ang pera sa ma­leta. Mukhang nagta­taka si Brenda sa laman ng maleta. Mukhang na­hahalata na nababawasan ang pera.

Nag-isip ng paraan si Jambo para hindi siya mapagbintangan ni Brenda. Kailangang ma­paniwala niya ito. Kapag napaniwala niya, kaila­ngang makagawa na siya ng paraan kung paano tuluyang uubusin ang pera. Pagnaubos saka niya lalayasan. Bago pa madiskubre ni Brenda na hindi naman talaga siya mapera, kailangang manakaw na niya ang pera nito. Paniwalang-pani­wala si Brenda na ang ginagamit niyang Audi ay kanya. Hindi niya alam na pag-aari iyon ng babaing kinuwartahan din niya at maaaring hinahanap na siya para bawiin ang sasakyan. Laway lang ang puhunan niya kaya nagkakapera. Ma­laking bentahe rin ang pagi­ging simpatiko niya. Ang totoo wala siyang pera.

Suwerte lang na na­tiyempuhan niya si Brenda sa casino at malas naman nito nga­yon dahil masisimot na ang pera sa maleta. Hindi na mabilang ang pinerahan niyang babae na lulong sa sugal.

Biglang nagbalik sa higaan si Jambo nang tawagin siya ni Brenda.

‘‘Jambo! Jambo!’’

Nagtulug-tulugan si Jambo.

Naramdaman niya ang paglapit ni Brenda.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with