^

True Confessions

Mga sakit

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGING misteryo ang pagtapon ng mga patay na baboy sa Quezon City. Labing-isang baboy ang natagpuan sa Bagong Silangan sa Quezon City. Sa Marikina naman, 40 patay na baboy ang nakuha mula sa Marikina River. Naging­ positibo para sa African Swine Fever (ASF) ang mga baboy sa Quezon City. Ang ASF ay walang gamot kaya napaka-peligroso sa mga baboy.

Hindi pa malaman kung kanino o saan galing ang mga baboy na tinapon pero nangako ang mga lokal na opisyal na mananagot ang mga ito. Maraming nilabag na batas kaugnay sa maayos na pagtrato sa mga hayop pati na rin sa posibleng pagkalat ng sakit. Napaka-iresponsable naman ng mga nagtapon lang ng mga namamatay na baboy. Wala namang babuyan sa Metro Manila, kaya sa ibang lugar magsisimula ang imbestigasyon.

Mas makabubuti kung inilibing na lang ang mga patay na baboy para hindi na kumalat ang sakit. Wala naman daw dapat ipangamba ang mamamayan dahil hindi naman naha­hawa ang tao sa ASF. Pero hindi dapat kumalat dahil may posibilidad na maubos ang babuyan kung hindi maaagapan. Hinikayat ang mga nag-aalaga ng baboy na ipaalam ka­agad sa beterinaryo kung nagkakasakit ang kanilang alaga para maaksiyunan at hindi basta itatapon na lang kung saan. 

Lahat na lang ng sakit ay naglalabasan. May dengue, measles, polio at ngayon ay mga baboy na may ASF na rin. Nahihirapan na nga ang DOH na mabigyan ng bakuna para sa polio na positibong nadiskubre kailan lang sa Metro Manila. Mga magulang na ayaw pabakunahan ang kanilang mga anak sa takot na masisi umano kung magkasakit o magkaproblema, o mga takot na sa lahat ng uri ng bakuna.

Marami na ang namatay dahil sa dengue at tigdas. Baka matagal pa bago maibalik sa maraming mamamayan ang tiwala sa bakuna. Samantala, baka marami pa ang magkasakit hangga’t masugpo ang pagkalat ng mga sakit na ito. Iyan ang pamana ng mga namulitika sa isyu ng Dengvaxia. Nagbigay ng walang batayang takot sa lahat nang bakuna.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with