^

True Confessions

Binaboy ng titser

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

HINATULAN pa rin ng korte si Jayson para sa 12 krimen ng rape alinsunod sa Article 266-A ng Revised Penal Code (as amended by RA 8353) at hinatulan ng pagkakulong mula 5 taon (minimum) hanggang 8 taon at 1 araw (maximum) para sa bawat isang kaso ng rape.

Parehas ang naging hatol ng Court of Appeals. Binigyang halaga at pinaniwalaan nito ang sinalaysay ni Paolo sa kasuklam-suklam na sinapit sa kamay ng sariling titser.  Wala raw makitang masamang motibo ang CA para sa ginawa ng mag-ina na pagsasampa ng kaso kay Jayson maliban sa hangarin na pagbayarin nito ang krimen na kanyang ginawa.

Kinatigan din ng Supreme Court ang naging desisyon ng CA. Ayon sa SC ay uubra ng depensa ni Jayson kung (1) mapapatunayan na nasa ibang lugar ang akusado noong nangyayari ang krimen, (2) na imposible para sa akusado na makarating agad sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Sa kaso ni Jayson, siya mismo ang umanin na natatapos ang klase niya bandang ala-una ng hapon pero babalik siya muli sa eskuwelahan para nga tingnan ang proyektong manukan ng eskuwelahan.

Ayon din sa SC, hindi importante ang eksaktong araw o petsa na naganap ang rape. Hindi ito isang elemento ng krimen. At hindi rin ito sapat para hindi paniwalaan ang salaysay ng onse-anyos na batang biktima tulad ni Paolo. Ang pinaka-importante, ang pagsusuri ng kredibilidad ng biktima ay nasa determinasyon ng korte at dapat bigyan ng halaga at respeto.

Kaya ang naging pasya ng SC ay nagkasala si Jayson sa krimen ng rape kay Paolo. At dahil nga pinalawak na ang sakop ng batas, hindi lang ang paggahasa kundi ang pagmomolestiya na tulad ng ginawa ni Jayson kay Paolo ay kasama na rito. Isa pa, ang krimen ng rape ay itinuring na krimen laban sa tao dahil kaya itong gawin ng isang tao sa pamamagitan ng pagpasok ng ari o kaya ay pagpasok sa puwet ng kahit anong bagay sa bibig ng ibang tao.

Kaya ayon sa korte, tama ang mababang hukuman at ang CA sa ginawa nitong paghatol ng 12 kaso ng rape alinsunod sa RA 8353 at sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code. Tama lang na hatulan siya ng pagkakulong mula 5 taon hanggang 8 taon at 1 araw sa 12 insidente ng rape. Dapat ding bayaran ni Jayson ang danyos sa halagang P25,000 (civil indemnity) at P25,000 moral damages  sa bawat 1 kaso ng rape (Ordinario vs. People and CA, G.R. 155415, May 20, 2004).   

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with