^

True Confessions

Ahas sa Garden(196)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAPANGITI nang lihim si Brenda. Takam na takam siya sa twenty million pesos na mapagbibilhan sa mansion. Hindi niya kayang ubusing mag-isa ang halagang iyon. Para siyang tumama sa lotto!

Nakaganti na siya sa panloloko sa kanya ni Nath ay nagkaroon pa siya ng pera. Kahit pa ipinagsasama siya ni Nath sa mga lakad nito, may duda pa rin siya sa walanghiya. Hindi siya naka­kasiguro na siya lamang ang ibinabahay ni Nath. Kaya tama lamang na huthutin niya ang kayamanan nito. Kaila­ngang magawa niya ang pag­huthot bago pa ma­laman ng mga anak ni Nath.

Pagkatapos niyang malimas ang pera, lalayasan na niya si Nath. Kanya-kanya na sila. Kung ipapangalan sa kanya ang condo unit, ibebenta rin niya ito.

Hahanapin niya si Alexis at sila ang magsasama. Titira sila sa malayong probinsiya. ‘Yung hindi sila masusundan ni Nath. Doon sila bibili ng magandang bahay na malapit sa tabing dagat. Magpapa­gawa rin siya ng swimming pool.

Siguro naman, hindi ta­tanggi si Alexis kapag pinakitaan niya ng bungkos-bungkos na pera. Kayang-kaya niyang bilugin ang ulo ni Alexis. Madali itong sumunod sa utos niya. Pero siyempre, hihingi muna siya ng tawad kay Alexis dahil sa pagsaksak niya rito. Magdadrama siya. Tiyak na makukuha niya uli si Alexis.

Plantsado na ang plano niya. Wala nang makapipigil sa kanya.

HINDI makapaniwala si Manang nang ikuwento ni Ester ang ginawang pagmumura ni Brenda.

“Napakatapang pala ng babaing ‘yun! Hindi ko nakaya ang bangis ng bibig sa pagmumura. Ang naka­pagtataka ay kung paano niya nalaman na magkakutsaba tayo Manang.’’

“Baka hinulaan lang niya. Mahusay ang boladas ng babaing yun kaya nga niya naakit nang husto si Sir Nath.’’

“Palagay ko wala na ta­yong magagawa Manang. Hayaan mo na si Sir Nath.’’

“Siguro nga Ester. Tama na nga siguro ang pagmamalasakit ko. Hindi rin naman niya kayang hiwalayan si Brenda.’’

“Umuwi ka na lang sa probinsiya. Tutal naman at wala nang interes sa inyo ni Alexis si Sir Nath.’’

“Oo Ester. Mabuti pa nga.” (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(196)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with