^

True Confessions

Ahas sa Garden (193)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

DESIDIDO si Manang na makausap si Sir Nath para masabi rito ang lahat nang katotohanan ukol kay Brenda.

Pero nag-alala na si Ester sa kaibigan.

“Paano mo pa masasabi sa kanya ngayon e aalis na sila riyan. Palagay ko malapit na malapit na base sa kuwento ni Sir Nath. Sa condo nga sila lilipat.’’

“Aabangan ko siya Ester.’’

“Paano mo nga aaba­ngan e hindi nga natin matiyempuhan. Ang tagal bago ko siya nakausap. E di lalo pa ngayon, aba­lang-abala na siya sa   pagbebenta.’’

“Ano kayang magandang gawin, Ester?’’

“Palagay ko, huwag mo na lang kausapin, Manang. Parang sa tingin ko, wala na siyang interes na hanapin ka pa o kaya’y si Alexis.’’

“E kung ang mga anak niya na nasa abroad ang tawagan ko para masa­bi na ibebenta na ng daddy nila ang mansion.’’

“E paano mo matatawagan e hindi mo alam ang number. Sabi mo sinira ni Brenda ang cell mo.’’

“Oo nga ano? Wala nga pala akong number ng mga anak ni Sir Nath.’’

Saka nag-isip nang malalim.

“Kung sana makapasok ako sa loob ng mansion, naisulat ko sa kalendaryo ang phone number ng anak na babae ni Sir Nath.’’

“Imposible ang sinasabi mo. Baka lalo lang problema kapag nahuli kang pumasok diyan. Baka sa kulungan ang bagsak mo.’’

Bigumbigo si Manang sa plano.

“Kalimutan mo na ang balak, Manang. Tutal naman at wala na ring balak si Sir Nath, hayaan mo na lang siya. Huwag ka nang magpakamartir pa. Manahimik ka na lang sa probinsiya. Palagay ko, si Alexis ay tahimik na ang buhay at wala nang balak pang magtungo rito sa Maynila.’’

“Naaawa ako kay Sir Nath, Ester.’’

“Dapat sa sarili mo ikaw maawa, Manang.’’

Napahinga si Manang nang malalim.

Gusto talaga niyang makausap si Sir Nath.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with