^

True Confessions

Ahas sa Garden(188)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MINSAN, tinanong ni Brenda si Nath ukol kay Alexis.

“Babe, sa palagay mo nasaan na ang ahas na si Alexis?’’

“Bakit mo naitanong?’’
“Kasi parang wala ka nang balak hanapin ang ahas.”

“Hindi. Hahanapin ko siya. Palagay ko nasa pro­binsiya siya. Alam ko ang probinsiya nila dahil­ kilala ko ang tatay ng ahas na iyon. Walang utang na loob ang Alexis na ‘yun. Nagmakaawa sa akin ang tatay niya na ipasok ko ng trabaho. Dahil alam kong mabait ang tatay niya, tinanggap ko rito. Kasi, ang akala ko kapag mabait ang ama, mabait din ang anak. Hindi pala! Ahas pala ang anak!’’ Na­­­pahalakhak si Brenda.

“Ahas na makamandag ang Alexis na ‘yun! Mabuti at hindi siya nagtagumpay na gahasain ako!’’

“Hahanapin ko siya Babe! Hindi ko nalilimutan ang ginawa niya sa’yo.’’

Biglang lumungkot ang mukha ni Brenda.

“Baka ikaw naman ang mapahamak kapag hinanap ang ahas na ‘yun. Mabuti pa, huwag mo nang gantihan. Tutal naman at hindi niya na­ituloy ang masamang balak sa akin. Huwag mo nang ituloy ang paghihiganti. Kasi baka armado siya kapag pinuntahan mo ay ikaw pa ang mapatay. Mas lalong masama ang mangyayari. Ayaw kong may mangyari sa’yo Babe. Hayaan mo na ang ahas na ‘yun. Diyos na ang bahala sa kanya.’’

Nag-isip si Nath. Bakit kaya biglang lumambot si Brenda.

“Pero napakawalang­hiya niya! Hindi na niya ako iginalang at pati ikaw ay pinagtangkaan.’’

“Kalimutan mo na yun, Babe. Wala namang nang­yari sa akin. Napaghihi­puan lang naman ako.’’

“Sige pag-iisipan ko.’’

“Ang asikasuhin mo na lang ay ang pagbebenta ng mansion. Mas mahalaga ito Babe.’’

Napatango si Nath.

NASA kanilang probin­siya si Alexis. Ipinagtapat ang lahat sa kanyang tatay. Inamin niya ang pagkakamali at nagsisisi na siya.

“Humingi ka ng tawad kay Nath. Mabait naman ‘yun.’’

“Natatakot ako Tatay.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(188)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with