^

True Confessions

Ahas sa Garden (137)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

WALANG kamalay-malay sina Brenda at Alexis na nakikita pala sila ni Manang at naririnig ang kanilang pinag-uusapan.

Napangiti nang lihim si Manang. Sige lang, magpakalunod kayo sa kasalanan at darating din ang katapusan n’yo!

Puwede na niyang isumbong kay Sir Nath ang ginagawa ng dalawa. Nasa kanya lahat ang ebidensiya na magdidiin sa mga ito. Nasa kanyang cell phone ang mga larawan. ‘Yun lang ay sapat nang dahilan para ibagsak ni Sir Nath ang tabak sa leeg ng mga taksil.

Maghihintay siya ng magandang pagkaka­taon para maisumbong ang gi­nagawa ng dalawa at nang matapos na ang kataksilan ng mga ito. Kailangang matiyempuhan niya si Sir Nath na nag-iisa para masabi at maipakita niya rito ang ginagawa ng dalawa sa sarili pa nilang bedroom. Kailangang mag-ingat siya na huwag malaman nina Brenda at Alexis na mayroon siyang nalalaman. Posibleng may gawin sa kanya si Brenda kapag nalaman na mayroon siyang itinatagong ebidensiya. Pe­ro bago malaman ng dalawa, pasasabugin na niya iyon sa harap ni Sir Nath. Bahala na. Patay kung patay na!

Pero hindi matiyempuhan ni Manang na nag-iisa si Sir Nath. Laging nasa tabi nito si Brenda. Kapag nasa swimming pool ay ganundin.

Mahirap matiyempuhan. Kung minsan ay hindi lumalabas ng bedroom. Pero nagtataka siya kung bakit hindi na ito gaanong umaalis ng bahay para dumalo sa mga seminar at mga meeting. Naaamoy na kaya ang nangyayari kina Brenda at Alexis. Posible! Baka may kutob na dinudumihan siya sa ulo ni Brenda.

MAKALIPAS ang isang linggo, nakakita ng pagkakataon si Manang.

Natiyempuhan niyang nag-iisa sa salas si Sir Nath. Nakaupo ito sa sopa at nag-iisip.

Sinamantala ni Manang ang pagkakataon.

Lumapit siya rito habang hawak ang cell phone.

“Sir Nath, may sasabihin po ako sa iyo.”

“Ano yun, Manang?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with