^

True Confessions

Ahas sa Garden(107)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, maagang­ nilinis ni Alexis ang swimming pool. Pinalitan niya ng tubig. Tiyak na maliligo si Mam Brenda. Halos araw-araw ay nagsu-swimming ito. At kung nagkabati na sila ni Sir Nath, maaaring silang da­lawa ang maliligo ngayon. Siguro naman ay nagkabati na ang mga ito dahil hindi na niya na narinig na nagsigawan. Maaaring si Sir Nath ang nagbaba ng boses kaya biglang nawala ang sigawan. Sa buong magdamag, imposible namang walang nangyari sa kanila.

Naisip ni Alexis, ang pinag-awayan kaya nila ay ang tungkol sa pinagpuputok ng butse ni Mam Brenda. Sabi ni Mam Brenda, maaaring may kinalolokohan si Sir Nath kaya palagi itong umaalis at ayaw naman siyang isama. Pinangakuan daw siyang isasama pero hindi tinutupad.

Ilang beses na niyang narinig ang paghihimutok ni Mam Brenda. At kahapon nga, sinabi pa ni Mam Brenda na kaya niyang gantihan si Sir Nath. Huwag daw mag­kakamali si Sir Nath at gagantihan niya. Kaya rin daw niyang gawin ang ginagawa ni Sir Nath. At isa pang pinagtataka niya ay masyadong nagiging bold na si Mam Brenda. Pati bra ay pinahuhubad. Masyadong malakas ang loob. At sabi sa kanya, huwag daw matakot.

Kaya lang muntik na silang mahuli ni Sir Nath kahapon dahil bigla itong dumating. Kung nahuli sila, baka may nangyari. At paano niya ipaliliwanag na si Mam Brenda ang may gusto nun.

Biglang napatigil sa pagmumuni-muni si Alexis nang makita ang pagda­ting nina Sir Nath at Mam Brenda. Magkaakbay. Ma­liligo na. Naka-two piece na si Mam Brenda at naka-shorts na pang-swimming si Sir Nath. 

Maya-maya pa, masa­yang lumusong at nagharutan ang dalawa. Bati na sila.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(107)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with