^

True Confessions

Ahas sa Garden (106)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

UMALIS si Alexis at naiwang nag-iisip si Manang makaraan silang magsagutan.

Naisip ni Manang na mali yata ang ginawa niyang paghahamon kay Alexis. Baka nga isumbong siya kay Sir Nath tungkol sa “ahas” na inilagay niya sa swimming pool. Tiyak na tatanungin siya ni Sir Nath kung bakit niya inilagay ang “ahas”. Mabubuking siya at malalaman na mayroon pala siyang ma­­samang ba­lak kay Brenda. At tiyak na palalayasin siya nito. Mababaliktad ang pang­yayari kapag nagkataon. Sa halip na si Brenda ang mapalayas, siya ang tatalsik sa bahay na ito. Kapag nagkaganoon, malaya na si Brenda sa anumang gawin dito sa bahay at lalo nang walang magagawa ang mga anak ni Sir Nath.

Nagpasya si Ma­nang na habulin si Ale­xis para pakiusapang huwag magsumbong kay Sir Nath pero mabilis itong nakapasok sa kuwarto. Hindi na sumunod si Manang kay Alexis at baka isipin pang nagmamakaawa siya. Siguro naman, hindi siya basta-basta isusumbong ni Alexis dahil may pinagsamahan din naman sila. Isa pa, kaya lang naman niya inilagay ang “ahas” sa pool ay para rin naman mailigtas siya sa panunukso ni Brenda. Matatakot kasi si Brenda sa “ahas” at dahil doon, lalayas ito.

Baka maisip iyon ni Alexis at huwag nang magsumbong kay Sir Nath. Sana ay ganun nga ang mangyari. At napabuntunghininga si Manang nang malalim.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with