^

True Confessions

Ahas sa Garden (105)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI makapagsalita si Manang sa sinabi ni Alexis.

‘‘Nakita ko ang palutang-lutang na laruang ahas sa swimming pool at walang ibang mag­lalagay nun kundi ikaw.’’

‘‘Hindi ako!’’

‘‘Tayong dalawa lang ang katulong sa mansion na ito. Alangan namang ako ang maglagay niyon. Ikaw ang naglagay at alam ko ang dahilan kung bakit mo inilagay ang ahas dun.’’

“Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ako ang naglagay ng sinasabi mong ahas.’’

“Huwag ka nang tumanggi Manang dahil nakikita ko sa mukha mo na ikaw ang naglagay niyon.’’

“Ano ka manghu-hula?’’

“Namutla ka kanina nang sabihin ko ang tungkol sa ahas.’’

“Hindi ako namutla! Ba’t ako mamumutla?’’

“Kung ayaw mong umamin e di magsumbungan na lamang tayo. Ipakikita ko ang ahas kay Mam Brenda at sa-sabihin ko na inilagay mo roon para siya takutin. Itinago ko ang ahas para maging ebidensiya.’’

“E ano kung iti-nago mo?’’

“E di magsumbungan na tayo. Sino kaya sa ating dala-wa ang papanigan  ni Sir Nath?’’

‘‘Ako!’’

‘‘Sige tingnan natin!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with