^

True Confessions

Ahas sa Garden (80)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KAHIT nag-aalala si Alexis sa ginagawang paglalagay ng lotion sa likod ni Brenda, pinagbuti na rin niya iyon na ikinasiya naman ng babae. Hindi na basta pagpapahid lamang ng lotion ang ginawa niya kundi minamasahe na niya.

“Ahhhh. Sige pa Alexis! Itaas-taas mo pa!’’

Naalala ni Alexis ang mga sinabi ni Manang na maaaring malagay ang kanyang buhay kapag na­abot sila ni Sir Nath sa ganoong sitwasyon. Hindi gugustu­hin ni Sir na makitang mina­masahe niya ang likod ng asawa. At talagang magkakaroon ng malisya sapagkat naka-two piece swimsuit si Brenda. Halos nakabilad na ang katawan nito.

Pero ano ang magagawa niya? Inuutusan siya ni Mam Brenda. Ano ang sa­sabihin nito kapag tumanggi siyang masahihin ang likod. Baka pagalitan siya.

Kaya nag-aalala man, iti­nuloy ni Alexis ang pagmamasahe. Pinaghusay na niya para masiyahan si Mam Brenda.

“Magaling ka nang magmasahe, Alexis. Nag-aral ka ba ng pagmamasahe?’’

“Hindi po. Wido-wido lang po!’’

“Ang husay mo, puwede ka na sa massage parlor.’’

“Salamat po.’’

“Sa sunod e oil na kaya ang imasahe mo sa akin. Mas maganda siguro sa kuwarto ano?’’

Hindi makasagot si Alexis. Hindi kaya pagma­masahe ang iuutos sa kanya ni Mam Brenda nun kaya siya tinawag? Posible ngang iyon.

“’Yung mga hita ko na­man at legs ang masahihin mo. Masarap ang feeling­ kapag namamasahe. Na­wawala ang asar ko kay Babe. Kinalimutan na yata ako ng lalaking yun at hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi!’’

Bantulot si Alexis na masahihin ang hita ni Mam Brenda. Baka biglang du­mating si Sir Nath at makita sila.

“O ano Alexis, masahihin mo na ang hita ko!”

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with