^

True Confessions

Ahas sa Garden (42)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINILA ni Sir Nath si Brenda sa tagong bahagi ng pool na ang tubig ay hanggang dibdib.

Niyakap at hinalikan niya sa labi si Brenda. Gumanti ng halik si Brenda. Hanggang sa naging mainit na ang halikan nila.  Nagsimula na ring maglakbay ang malilikot na kamay ni Sir Nath sa makinis na ka­tawan ni Brenda.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay hinabol nila ang paghinga. Suminghap-singhap si Brenda.

“Ang sarap!’’ sabi ni Sir Nath. At muling sinakmal ang maninipis na labi ni Brenda.

Nagpaubaya na si Brenda sa ginagawa ni Sir Nath. Alam na niya ang gustong mangyari ni Sir Nath at nakahanda naman siya.

Muling gumala ang mga malilikot na kamay ni Sir Nath sa makinis na katawan ni Brenda.

Nang muling mag­hiwalay ang kanilang mga labi, suminghap-singhap muli si Brenda.

Pero ang kasunod pala ng mga singhap ay mahihinang ungol na nakikisabay sa kulabsaw ng tubig ng pool.

Umalon ang tubig na pahiwatig na nagsisimula na ang dalu­yong.

Maya-maya pa, lu­makas ang alon pero sa kabila niyon, nangi­babaw pa rin ang ungol­. Ang ungol ay hindi dahil nahihirapan kundi dahil sa luwalhating na­raramdaman.

Ang mga nangyayari ay nasaksihan ni Alexis na nakakubli sa mga nakatambak na orchids.

Humahaba ang leeg niya para makita nang maayos ang nangyayari sa bagong ga­wang swimming pool.

“Binibinyagan’’ nina Sir Nath at Brenda ang pool.

Pakiramdam ni Alexis, nanunuyo ang kanyang lalamunan sa nasasaksihan sa loob. Kinakabahan din naman siya at baka malaman ni Sir Nath na namboboso siya.

Hanggang sa ma­pansin niya na pa­lubog na nang pa­lubog ang dalawa sa pool!

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with