^

True Confessions

Ahas sa Garden (41)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HALIKA na, Babe. Dive na tayo. Masarap maligo kapag ganitong oras,” sabi ni Sir Nath habang nasa gilid ng swimming pool.

“Ikaw na lang muna, Babe. Mukhang malamig na malamig ang tubig.’’

“Hindi! Sa una lang malamig ‘yan. Kapag nasa ilalim na tayo, mainit na, he-he-he!’’

“Binibiro mo naman ako Babe e. Gusto mo yata sa ilalim tayo ng tubig mag-do.’’

“Puwede, Babe?’’

Ngumiti si Brenda. Mapanukso ang ngiti.

“Mamaya na, Babe. Sige ikaw na muna ang mag-dive at panonoorin kita. Alam ko, mahusay kang lumangoy, ipakita mo nga!’’

“Okey sige. Pero pagkatapos kong dumayb, ikaw naman ha?’’

“Oo. Pagkatapos, ikaw naman ang magdadayb sa akin, he-he-he!’’

“Pilya ka talaga, Babe.’’

“Sige na, dayb na!’’

Pumorma si Sir Nath. At sa isang iglap, nagdayb siya. Napakalinis nang pagbulusok niya sa asul na tubig. Parang isiniyut na bola na hindi sumagi sa ring at net.

“Wow, ang husay mo Babe!’’ sabi ni Brenda na tuwang-tuwa.

Samantala, nakatingin lang si Alexis kay Brenda. Nakakubli ito sa malagong orchids.

Pinagmamasdan niya ang magandang katawan ni Brenda na noon ay naka-two piece swimsuit. Kitang-kita ang kurba ng katawan. Halatang ala-gang-alaga. Napakasu-werte ni Sir Nath!

Maya-maya, si Brenda naman ang nagdayb. Mahusay din itong dumayb.

Nakaabang na si Sir Nath kay Brenda.

Nang lumutang si Brenda, niyakap siya ni Sir Nath. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with