^

True Confessions

Ahas sa Garden (38)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“AMININ mo na, Alexis, may pagnanasa ka sa malanding si Brenda!” sabi ni Manang.

“Wala akong pagna­nasa!’’

“E bakit ipinagtatanggol mo ang landing ‘yun?’’

“Hindi ko naman ipinagtatanggol.’’

“Parang ayaw mo siyang mapaalis dito. Pinipi­gilan mo akong gumawa ng paraan para siya ma­paalis.’’

“Ang sinasabi ko lang, baka ka mapahamak dahil sa binabalak mo.’’

“Kung talagang kakampi ka sa pagpapa­alis sa malanding babae, tulungan mo akong gumawa ng paraan. Ta­yong dalawa ang mag-isip kung paano mapapalayas dito si Brenda.’’

“Teka e baka nga tayo mapahamak. Wala naman­g ginagawa sa atin si Brenda e kung bakit kailangan siyang mapaalis.’’

“Siya nga ang dahilan kaya nagkaroon nang ma­raming pagbabago rito. Pati ang mga orchids ni Mam, nasira. Malakas ang kutob ko, si Brenda ang nakaisip para magtayo ng swimming pool.’’

“E ano ba ang pakialam natin e sila ang may-ari nito.’’

“Ikaw walang pakialam pero ako meron. Malaki ang utang na loob ko kay Mam.’’

“Hindi kita maintindihan, Manang.’’

“Hay naku, mahirap kang kausapin! Diyan ka na nga!’’

 

KINABUKASAN, binisita ni Sir Nath ang pi­nagagawang swimming pool.

“Aba malapit nang matapos ah! Matutuwa si Babe kapag nakita ito.’’

Nakatingin lang si Alexis. Si Brenda nga ang may gustong magpatayo ng swimming pool.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with