^

True Confessions

Ahas sa Garden (36)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MABILIS gumawa ang mga trabahador ng swimming pool. Sanay na sa­nay sa ganoong gawin. Mabilis na nahukay ang ba­haging pool na dating­ kinaroroonan ng mga ma­gagandang orchids.

Habang pinanonood ni Alexis ang mga traba­hador ay nag-iisip siya kung bakit ura-urada si Sir Nath sa pagpapagawa ng swimming pool. Nawalan tuloy ng puwesto ang mga orchids na alaga ni Mam. Nakapagtataka pa na ang laging bukambibig ni Sir Nath ay huwag pababa­yaan ang orchids. Lagi di­ligin ang mga ito para mamulaklak.

Pero ngayon, sira na ang puwesto dahil hinukay na. Ang magagandang orchids ay nasa isang sulok at ngayon ay pawang alikabok na dahil sa hinukay na lupa. Para mailagay lahat ang orchids ay isiniksik niya sa pader. Ang iba ay inilagay muna niya sa mga gulayan. Ihahanap pa niya ng mapapaglagyan. Ayaw naman niya ipamigay dahil sayang. Mamahalin ang orchids na koleksiyon ni Mam, May binili pa raw sa Los Baños. Pawang namumulaklak na ang orchids. Baka maapek­tuhan ang pamumulaklak dahil sa paglilipat-lipat ng lugar.

Ikalawang araw ng construction ng swimming­ pool ay lumabas si Ma­nang at nalungkot siya sa nakita dahil ang kinalalagyan ng mga orchids ni Mam ay nahukay na.

“Saan mo inilagay ang orchids, Alexis?’’

“Sa sulok! Isiniksik ko roon para magkasya. Yung iba nasa gulayan.’’

“Kawawa naman ang mga alaga ni Mam. Bakit kaya naisipan ni Sir na magpagawa ng swimming pool?’’

“Hindi ko alam!’’

“Baka inudyukan ni Brenda!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with