^

True Confessions

Ahas sa Garden (33)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG buwan na nag-tour sa Europe sina Sir Nath at Brenda. Gabi nang duma­ting ang mga ito.

Si Alexis ang nagbukas ng gate. Nagtaxi lang ang dalawa mula sa airport.

Binuhat ni Alexis ang dalawang maleta. Napan­sin ni Alexis na nakatingin sa kanya si Brenda. Pero nang magsalita si Sir Nath ay biglang binawi ang ti­ngin.

“Kumusta Alexis? Nahuli mo ba yung ahas?’’ tanong ni Sir Nath.

“Hindi Sir. Talagang hindi ko na po nakita. Palagay ko po ay nakalabas na ng bakuran natin.’’

“Mabuti kung ganun. Bukas ay may ipagagawa ako sa’yo. Importante!’’

“Tungkol po saan?’’

“Bukas mo na lang ma­lalaman. Sige ipasok mo na yang mga maleta at tutuloy na kami sa kuwarto. Pagod na pagod kami ni Babe. Pinapagod kasi akong palagi nito eh, he-he-he!’’

Nakita ni Alexis na sumulyap sa kanya si Brenda pero mabilis lang.

Naglakad na ang dalawa papasok sa main entrance ng mansion. Isinara naman ni Alexis ang gate. Kinandado. Nang matiyak na saradung-sarado na, binuhat na niya ang dalawang maleta at saka dinala sa loob ng mansion. Alam niya, si Manang na ang bahala sa laman ng maleta. Mga maruruming damit marahil ang laman ng dalawang maleta. Pawang mga mamahaling damit ni Brenda ang laman ng mga maleta.

Nang maiayos ang mga maleta, saka lamang nagtungo si Alexis sa kanyang kuwarto sa basement. Maa­ari na siyang matulog sapag­kat wala nang mag-uutos.

Habang nakahiga, iniisip niya kung ano ang ipagagawa sa kanya ni Sir Nath bukas. Importante raw ang ipagagawa. Ano kaya yun?

Baka lalakihan uli ang espasyo ng orchids. Baka sasakupin na ang buong likuran ng bahay. Baka nakokonsensiya si Sir Nath dahil nagsama agad ng babae kahit wala pang isang taon na namamayapa si Mam.

At para mabawasan ang dinadalang bigat ng konsensiya ay palala­wakan ang puwesto ng orchids na sinimulan ni Mam. Talaga raw napakahilig ni Mam sa orchids. Lahat nang klaseng orchids ay nasa garden at naparami pa ang mga ito.

Nang umalis para mag-tour sina Sir Nath, mahigpit nitong ipinagbilin na huwag pababayaan ang mga orchids.

Hindi makatulog si Alexis at iniisip ang importanteng ipagagawa ni Sir Nath, kinabukasan.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with