^

True Confessions

Sadiq(176)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA dami ng mga gustong mag-seminar ukol sa pagnenegosyo, lubhang na­ging busy si Sadiq at JayR. Tuwing Sa­bado at Linggo ang seminar na ginagawa sa bakuran ng bahay ni Sadiq. Halos mapuno na ng mga gustong magseminar ang bakuran.

‘‘Kaya mo pa ba Sadiq?’’ tanong ni JayR matapos ang maghapong seminar.

“Oo. Kaya pa.’’

“Sa isang linggo, sina Pakito at ang iba pa nating kasamahan na naging successful entrepreneur ang pagsalitain naman natin. Marami na silang maibabahagi at nagmula pa sa sariling karanasan. Iyan ang magandang marinig ng mga gustong magnegosyo.’’

‘‘Sige imbitahin natin sila. Mahusay na­­mang magsalita si Pa­kito di ba? At saka nakapagsalita na siya noon di ba?’’

“Oo Sadiq. Mabiro nga si Pakito. Mara­ming makikinig sa kanya.’’

‘‘Hindi kaya busy siya? Baka marami siyang gagawin?’’

“Hindi makatatanggi ang mga natu­lungan mo Sadiq. Tiyak na hindi ka ma­papahiya.’’

“Sige ikaw na ang bahalang kumontak kay Pakito at iba pa nating kasamahang entrepreneur.’’

ISANG araw, matapos ang seminar. Nilapitan si Sadiq ng isang lalaki. Nagulat siya sa sinabi ng lalaki na isa raw OFW sa Saudi.

‘‘Tulu­ngan mo akong magnegosyo, Sadiq. Dito na lang ako. Ayaw ko nang bumalik sa Saudi. Pinendeho ako ng misis ko!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(176)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with