^

True Confessions

Sadiq (175)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MABUTI kang kaibigan, JayR, salamat sa pagtulong mo. Marami tayong maiiwan sa mundo. Gagayahin din tayo ng iba at sila naman ang magpapatuloy ng ating nasimulan,” sabi ni Sadiq sa seryosong tinig.

“Tama ka Sadiq. Kapag nawala tayo, mayroong magpapatuloy ng ating nasimulan.’’

“Kaya gusto kong marami pa ang ating matulungan. Siguro kahit na hindi OFW ay puwede rin tayong magbigay nang libreng seminar at mga kapaki-pakinabang na tips sa pagnenegosyo. Ano sa palagay mo JayR.’’

“Puwede Sadiq. Sige, anyayahan natin maski hindi OFW.’’

“Puwede nating iha-yag sa social media ang balak natin ano JayR.’’

“Oo. Ako ang bahala, Sadiq. Maganda ang naisip mo na kahit hindi OFW ay tulungan natin.’’

“Salamat JayR.’’

“Hindi kaya umapaw  ang tao sa bakuran mo, Sadiq. Baka masyado nang maging busy at makaabala sa inyo ni Gina.’’

“Okey lang kay Gina  ang pagbibigay natin ng seminar, JayR. Nauuna­waan ako ni Gina.’’

“Kung mapupuno ang bakuran, gawin nating dalawang beses isang linggo. Yung hindi makakasama sa unang batch e di sa pangalawa.’’

“Oo. Tama.’’

“Hahatiin natin para hindi magsiksikan.’’

“Aprub!’’

Suportado ni Gina ang advocacy ng asawa. Nauunawaan niya ito.

Sa madaling araw, nagigising si Gina na may ginagawa pa sa laptop si Sadiq.

Ipinagtitimpla niya ng kape.

“Magkape ka muna, Daddy.’’

“Salamat. Malapit nang matapos ito.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with