^

True Confessions

Sadiq(173)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG naglelektyur si JayR sa mga ex-OFW ukol sa pagnenegosyo, nagmamasid naman si Sadiq. Kapansin-pansin na seryosong-seryoso ang mga dumalo sa pakikinig kay JayR. Lahat ay nakapokus sa mga ibini­bigay na tip ni JayR. Palibhasa’y mahusay magsalita si JayR kaya nakukumbinsi ang lahat sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ni Sadiq, marami nang natuto at hindi na sila basta susuong sa negos­yo nang walang kaalam-a­lam. Mahalaga ang may nalalaman at may kahan­daan sa papasuking lara­ngan.

Nang siya ang magsalita, tahimik na tahimik ang lahat. Malaking-ma­laki ang tiwala sa kanya ng mga taong nasa harapan niya. Bawat isa ay ninanamnam ang kanyang binibitawang salita.

“Lagi kong sinasabi sa lahat ng mga nagnanais magtayo ng negosyo na huwag ibubuhos lahat ang pera sa isang lalagyan. Maglagay din sa iba pang lalagyan para kung pumalpak ang isa, meron pang nakareserba. Kung may tatlong itlog kayo, huwag lahat ilalagay sa isang basket. Isang itlog lang muna at yung dalawa, hayaan sa ibang lalagyan. Kung magkaroon ng aberya ang isang itlog, mayroon pang dalawa. Nakuha n’yo ba ang ibig kong sabihin?’’

“Opo!” sabay-sabay na sagot ng mga dumalo.

“Sa pagnenegosyo, hindi maiiwasang bumagsak. Kaya huwag agad kayong mag-eexpect na lalago agad ang negosyo. Lahat nang malaki ay nag-umpisa sa maliit. Walang negosyo na nag-umpisa sa malaki. Tiyagaan lang ang lahat at sa dakong huli, malalasap natin ang sarap ng bunga.’’

Nang matapos si Sa­diq sa pagsasalita, marami ang lumapit sa kanya at nagpasalamat. Ang ganda raw ng sinabi niya.

Sa labis na katuwaan, nakipag-selfie pa ang ma­rami sa kanya.

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(173)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with