^

True Confessions

Sadiq (172)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ILAN pang mga ex-OFW ang tumawag kay Sadiq at humihingi ng mga tip para sa pagnenegosyo. Ayaw na raw nilang bu­malik pa sa Saudi Arabia sapagkat mahirap ang malayo sa pamilya. Gusto raw nilang ang perang kanilang pinaghirapan ay mailagay nang maayos sa negosyo nilang binabalak.

Nalaman daw nila ang pagtulong ni Sadiq dahil sa social media. Kalat na kalat na pala ang ginagawa niyang pagtulong sa mga ex-OFW. Tiyak ni Sadiq, si JayR ang nagpakalat ng kanyang mga nagawa kaya nasa internet. Posible rin naman na ang kanyang asawang si Gina.

Dahil maraming gustong makadalo sa seminar, inilaan na ni Sadiq ang bakuran ng kanyang bahay para gawing venue. Bumili siya ng tent para may masilungan ang mga magseseminar.

Tinawagan niya si JayR isang araw bago ang nakatakdang seminar.

“JayR tulungan mo ako. May gagawin tayong seminar bukas. Marami na ang nag-confirm ng attendace. Isang araw lang naman ito. Mara­ming gustong matuto.’’

“No problem Sadiq. Sige darating ako, what time?’’

“Alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.’’

“Okey darating ako.’’

Kinabukasan, nagulat si JayR sapagkat marami nang tao. Halos mapuno na ang bakuran ni Sadiq.

“Marami pala tayong tuturuan Sadiq!’’

“Oo, JayR. Gusto nilang matuto sa pagnenegosyo.’’

 (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with