^

True Confessions

Sadiq(147)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT naman hindi ka na mag-aasawa, JayR? Mahirap ang walang kasama sa buhay. Malungkot kapag nag-iisa. At saka kanino mo iiwan ang mga naipundar mo. Lalo ngayon na maunlad na ang negosyo mo at meron pang paparating. Hindi naman habampanahon ay magkasama kayo ng inay mo. Matanda na iyon at mga ilang taon pa ay iiwan ka. Kaya kailangang maghanap ka na nang mapapangasawa. Sa-yang ang kaguwapuhan mo, JayR.’’

Bumuntunghininga     si JayR. Malalim.

Saka nagtapat kay Sadiq. Malinaw na malinaw ang pagkakasabi. Wala nang itinago.

“Bakla ako, Sadiq!’’

Napamaang si Sadiq. Ilang saglit na hindi nakapagsalita. Nakatingin lamang kay JayR.

“Bakla rin ako. Iyon ang dahilan, Sadiq.’’

Saka lamang nakabawi si Sadiq.

Nagtawa ito.

“Hindi ko nahalata ah. Magaling kang magtago, JayR. Kailan pa? Nun bang nasa Riyadh tayo, bading ka na?”

“Medyo!’’

“Galing mo ah. Medya-medya ka na pala nun e hindi ko naramdaman. Mahina na ang vibration ko, ha-ha-ha!’’

“Gusto ko nang mag­sabi sa’yo nun kaso, naunahan mo ako. Hanggang sa magkahiwalay na tayo. Nitong mag-finished contract ako, saka ko naisip na dapat nang ipaalam ko sa’yo. Kasi nga lagi mo akong tinatanong kung kailan mag-aasawa.’’

“At yun ang dahilan kaya hindi ka mag-aasawa. O e ano naman ang isyu kung bakla ka? Hindi na puwedeng mag-aasawa ang bakla. Bakit ako?’’

Nag-iisip si JayR habang nakatingin kay Sadiq.

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(147)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with