^

True Confessions

Sadiq (146)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PALAGAY ko magtatagumpay ang balak ni Saeed na negosyo, Sadiq. Kakaiba kasi. Akala ko noong una, shawarma ang balak niya. Di ba ang dami na ngayong nagsulputang shawarma. Kahit saan meron,’’ sabi ni JayR habang nakati-ngin kay Sadiq. Tapos na silang kumain.

‘‘Nasabi na yan ni Saeed sa akin. Hindi siya kumporme sa shawarma para maging business. Dapat daw kung magbi-business ng shawarma, dapat yung may kaalaman sa pag-prepare nito. Hindi raw tama ang mga shawarma business na narito base sa feedback. Dapat kung magbi-business ng shawarma, dapat mag-hire ng Turko dahil magagaling ang mga ito sa ganitong pagkain.”

“Mabuti’t alam ni Saeed yun.’’

“Nag-research daw siya. Marami na siyang nalalaman sa shawarma business. Ganunman, ayaw niyang sumugal dito. Kaya ang different dried fruits ang napili niya.’’

“Tama si Saeed. Kailangang pag-aralan muna ang lahat.’’
‘‘Kaya ikaw ang kinuhang tagapamahala dahil alam niya ang pagkatao mo, JayR.’’

‘‘Salamat Sadiq.’’

Hanggang sa mauwi ang usapan sa pagiging binata ni JayR.

Biniro siya ni Sadiq.

‘‘Nalalagas na ang mga araw, JayR. Kailan ka ba mag-aasawa? Medyo kumukunat ka na ah.’’

Ngumiti si JayR.

Hanggang magseryoso na.

‘‘Hindi na siguro ako mag-aasawa, Sadiq.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with