^

True Confessions

Sadiq(145)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGKITA sina Sadiq at JayR sa paborito nilang restaurant na nasa loob ng mall. Ikinuwento ni Sadiq ang pinag-usapan nila ni Saeed Al-Ghamdi. Hindi makapaniwala si JayR sa magandang balita.

“Ikaw daw ang magha-handle ng kanyang business dito, JayR. Mabuting tao ka raw at mapagkakatiwalaan.’’

“Talaga, sinabi niya iyon, Sadiq?’’

“Oo. Malaki ang tiwala sa’yo ng kaibigan nating si Saeed.’’

“Kung malaki ang tiwala sa akin, mas lalo na sa’yo Sadiq. Kasi ikaw ang una niyang itinanong sa akin ukol sa business. Sabi ko si Sadiq ang maraming nalalaman sa pagpapatakbo ng food business. Totoo naman di ba? Napatunayan mo na.’’

“Pero ikaw ang gusto niyang mamahala. Huwag ka raw mag-alala at hindi mauubusan ng supply ng dried fruits. Sobra-sobra raw ang pagkukunan niya. Siya raw ang bahala. O ano pagtawag ko sa kanya, sabihin ko approved na.’’

“Sige, bagong pakiki-pagsapalaran ito.’’

“Pero huwag mong pa­ba­bayaan ang business mo, JayR. Itong kay Saeed, bale sideline mo lang ito. Ikaw na ang bahalang mag­hanap ng tao.’’

“Tulungan mo ako, Sadiq. Tayong dalawa ang mag-manage.’’

“No problem.’’

“Salamat Idol.’’

“Palagay ko ay papatok ang naisip na ito ni Saeed. Marami na nga namang health conscious ngayon at nababaling ang pagkain sa masustansiyang dried fruits. Alam mo pinakamasarap ang dried fig. Palagay ko, magugustuhan ng mga tao yun.’’

“Baka naman mahal.’’

“Yan ang dapat pag-aralan.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(145)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with