^

True Confessions

Sadiq(143)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAG-MESSAGE sa akin ang dati nating boss sa Riyadh na si Saeed Al-Ghamdi at interesado raw siyang mag-invest dito. Kinokontak ka raw niya pero hindi ka raw nagrereply. Baka nagpalit ka raw ng number,” sabi ni JayR.

“Ganun ba? Oo luma ang number ko sa kanya. O e anong sabi mo JayR? Sana inanyayahan mo.”

“Inanyayahan ko nga. Sabi ko maganda nang mag-invest sa Pilipinas sapagkat maganda na ang gobyerno.’’

“Sana matuloy ang balak.’’

“Ibigay mo ang bagong number para kayo ang magkausap. Parang atat na atat si Al-Ghamdi na magkaroon ng negosyo rito.’’

“Sige tatawagan ko siya. Bakit kaya niya nalaman na maganda ang pagbi-business dito sa atin.’’

“Nabanggit ko sa kanya noong bago ako mag-fi­nished contract na mayroon kang food business at kumikita na. Sabi ko mahusay kang mag-ma­nage at marami kang gimik na alam sa negosyo. Bigla siyang nagkainteres dahil yung isa raw niyang friend ay umunlad din ang shawarma business. Marami na raw branches ang shawarma ng friend niya. Pero kung siya raw ay magbi-business dito, hindi shawarma ang pipiliin niya. Ibang pagkain daw. Kasi baka raw magsawa na sa shawarma ang mga Pinoy.’’

“E ano raw ang balak niyang food business?’’

“Wala pa siyang nai­isip.’’

“Sige at ako ang magtatanong sa kanya. Bibigyan ko rin ng tip.’’

“Pero siguro, Sadiq, hahanap siya ng mga taong magtatayo ng ne­gosyo niya rito at sa kanya ang capital. Puwede ba yun?’’

“Dapat may partner siya. Hindi naman puwedeng 100 percent ang ibang national na magmay-ari ng negosyo.’’

“Ganun ba?’’

“Malalaman ko ang pasya niya kapag naka­usap ko.’’

“Sige tulungan natin si Al-Ghamdi. Mabait pa naman siya.’’

“Oo JayR, tutulungan natin siya.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(143)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with