^

True Confessions

Sadiq(120)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TINABIHAN ni Sadiq ang asa­wang si Gina at nag­kuwento ng mga nangyari sa pagkikita nila ng kasama-hang si Rene.

“Si Rene ay ka­tulad ko rin noon na bading pero nga­yon, lalaking-lalaki na at mayroong pa­milya. Ipinagma­laki niya sa akin ang kanyang magandang asawa at dalawang anak na lalaki. Maganda raw ang buhay nila sa probinsiya at wala na raw siyang mahihi-ling pa sa buhay. Kuntentung-kuntento na raw siya.’’

“Mag­ka­pareho kayo ng kapalaran ng kaibigan mong yun, Daddy?’’

“Oo. Pero mas masuwerte ako kaysa sa kanya dahil bukod sa maganda na ang napangasawa ko ay matalino pa. At bukod sa matalino, mabait at malambing pa. Okey ba, Mommy?’’

Kinurot ni Gina sa tagiliran si Sadiq. Napaiktad si Sadiq. Nagtawa si Gina.

“Binobola na naman ako Daddy.’’

“Hindi kita binobola. Talagang masuwerte ako dahil ikaw ang napangasawa ko. Gusto ko ngang isigaw ang mga biyayang ipinagkaloob sa akin ng Diyos. Una, ikaw ang binigay niya sa akin, ikalawa, binigyan mo ako ng tatlong matatalino at magagandang anak, pangatlo, binigyan ako ng negosyo at pang-apat, dininig ang dalangin ko na pagalingin ka.’’

Napatango si Gina bilang pagsang-ayon.

At saka binalikan nila ang alaala noong bago pa lang silang nagkakilala at nagliligawan. Masarap balikan ang lahat. (Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(120)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with