Sadiq (117)
LUMAPIT ang lalaki kay Sadiq pero hindi niya talaga ito makilala. Pilit niyang inaalala pero blangko siya.
“Sal, ako si Rene dati tayong magkasama sa trabaho riyan sa may Pa-seo de Roxas. Hindi mo na ako natatandaan?’’
“Ha e sorry pero hindi ko matandaan. Sorry ha?’’
“Talagang hindi mo na ako matatandaan dahil dati akong bakla. Pero lalaki na ako ngayon.’’
Saka biglang naalala ni Sadiq ang lahat. Oo nga. Natatandaan na niya. Pero hindi Rene ang pa-ngalan ng lalaking ito.
“Naalala mo na Sal?’’
“Oo. Naaalala ko na. Pero hindi Rene ang pangalan mo di ba?’’
Nagtawa si Rene.
“Ang pangalan ko dati ay Irene, ha-ha-ha.”
Napatawa rin si Sadiq.
“Pareho tayong bakla noon, ha-ha-ha!’’
“Teka mabuti kaya ay magkape muna tayo Rene. Dun sa coffee shop na yun. Magkuwentuhan tayo. Maaga pa naman.’’
“Sige Sal. Gusto kong malaman ang kuwento mo. Ako rin magkukuwento sa’yo. Kakaiba ang kuwento ko.’’
Tinungo nila ang sikat na coffeshop.
“Pareho tayo nang tinahak, Rene. Congratulations!’’
“Congrats din Sal.’’
Siyanga pala, ang name ko ay Sadiq. ‘Yan ang tawag sa akin. Pinaikling Salustiano Diquino.’’
“Unique a! Kumusta ka Sadiq?’’
“Okey naman, may kaunting negosyo. May masayang pamilya. Tatlo ang anak ko pawang babae.’’
“Wow. Ako naman, dalawa ang anak. Nasa probinsiya ako naka-base Sadiq. Dun ako may negosyo. Maligaya rin ako.’’
“Mukhang iisa nga ang napuntahan natin at pawang nagtagumpay.”
“Tama ka Sadiq. Nagtagumpay talaga tayo. Nakatakas sa bangu-ngot.” (Itutuloy)
- Latest