^

True Confessions

Sadiq(116)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG araw, may mahalagang inasikaso si Sadiq sa Makati ukol sa kanilang negosyo. Maaga siyang nakatapos sa nilalakad kaya ipinasyang mag-shopping sa isang malaking mall sa may Makati Avenue. Ibi­nili niya ng regalo si Gina at ang tatlong anak. Matagal na niyang hindi ito ginagawa. Huling pagbili niya ng regalo para sa kanyang mag-iina ay noon pang kara­rating niya mula sa Saudi Arabia. Hindi na nasundan dahil sa kinapos na ng budget dahil sa medication ni Gina.

Ngayong nakakaluwag na sila dahil sa pag-boom ng SADIQ FRIESSARAP, ibabalik niya ang nakaugaliang pagbibigay ng regalo sa kanyang mag-iina.

Ang ibinili niya kay Gina ay isang box ng panty samantalang sa tatlong anak ay ang sikat na brand ng tsinelas. Kabisado na niya ang sizes ng kanyang mag-iina kaya sure na sure siya sa binili. Tiyak na matutuwa ang kanyang mag-iina. Hindi ina­asa­han ng mga ito na magreregalo siya. Sosorpresahin niya ma­maya, ha-ha-ha!

Mula nang mag-boom ang kanilang food business, lalong naging positibo ang tingin niya sa buhay. Nakakapagbigay ng pag-asa ang nakikitang pag-unlad ng si­nimulang negosyo.

Lalo pa siyang na­niwala sa bunga nang pagiging positibo nang gumaling sa kanser si Gina. Lahat iyon, ay nangyari dahil sa awa ng Diyos.

Patawid na siya sa Ayala Avenue nang may marinig siyang tawag sa kabilang bahagi ng kalye. Nang lumingon siya, isang lalaki. Hindi niya kilala.

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(116)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with