^

True Confessions

Sadiq (82)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG matapos ang pakikipag-usap ni Sadiq, lumapit si Gina sa asawa.

“Sino ang tumawag, Daddy? Ang saya ng pag-uusap n’yo!’’

“Si JayR! Nangungumusta. Tinatanong ang kalagayan mo.’’

“Anong sabi mo?’’

“Sabi ko, tuluy-tuloy ang chemotherapy mo. Sabi niya magpapadala raw siya ng pera. Bigay lang niya. Makakatulong daw kahit paano.’’

“Ang bait ng kaibigan mo.’’

“Mabait talaga si JayR. Subok ko na ang ugali niya. Nakahandang tumulong. Sabi niya kung mayroon tayong problema ukol sa pagpapagamot mo, ipaalam natin sa kanya at nang may magawa siya.’’

“Kailan daw ang uwi niya?”

“Sa Pasko. Tuloy na raw ang vacation niya. Dito nga siya magpapasko sa atin.’’

“Sige para makilala ko ang kaibigan mo.’’

“At meron pa siyang magandang balita, meron pa raw ibibigay sa aking pera ang dati kong boss na si Saleh Al-Ghamdi. Ipa-follow up daw niya ngayon para maipadala na rin niya agad sa akin. Mukhang malaki raw ang ibibigay sa akin ni Al-Ghamdi.’’

“Napakabait ng mga kaibigan mo. Hindi tayo nalilimutan.’’

“Oo nga. Kaya nga walang tigil ang pasasala­mat ko kay JayR.’’

“Binata ba si JayR?’’

“Oo.’’

“Mabuti at hindi pa nag-aasawa.”

“Wala pa raw siyang magustuhan.’’

“Aba dapat ay mag­hanap-hanap na siya.’’

“Kailangan ay may mai-match tayo sa kanya pag-uwi niya sa Pasko.”

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(82)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with