^

True Confessions

Sadiq (80)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG magising si Gina ay agad inihanda ni Sadiq ang mesa. Nagsandok ng ulam at kanin. Tiyak na gutom na ang asawa. Sabay silang kakain. Hindi na siya sanay na hindi ka­salo ang asawa.

Nang maihanda ang mesa, tinawag si Gina.

“Halika na, Mommy kakain na tayo. Masarap ang ulam, nilagang baka at pritong tilapia.’’

Nagtaka si Gina.

“Hindi ka pa rin kumakain, Daddy?’’

“Oo naman. Hindi ako sanay na hindi ka kasabay kumain. Hindi ako nabubusog, peksman.’’

Napangiti si Gina.

“Nanlalalambot pa rin ang feeling mo?’’

“Hindi na gaano, Daddy. Nawala nang maka­tulog ako.’’

“Salamat naman.’’
Hi­nawakan ni Sadiq ang kamay ni Gina at saka unti-unting ibinangon. Inakbayan ito at saka sila lumabas ng kuwarto.

“Gusto mo nang ma­init na sabaw?’’

“Oo. Mainit na mainit para mapawi nang tuluyan ang panlalambot ko.’’

“Oo maganda nga ang sabaw ng nilagang baka para lumakas.’’

Humigop si Gina ng sabaw.

“Ang sarap ng sabaw, Daddy. Eksperto ka nang magluto!’’

“Puwede na bang magtayo ng resto?’’

“Oo!”

Iniabot ni Sadiq ang kanin kay Gina. Iniabot ang pritong tilapia.

Sabay silang kumain.

Napansin ni Sadiq na ma­ganang kumain ang asawa. Naubos ang isang pinggang kanin at pati sabaw naubos. Ganundin ang pritong tilapia.

Naidalangin niyang tulu­yan nang gumaling at mawala ang kanser ng asawa. Dinggin mo po ako Diyos ko!

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with