^

True Confessions

Sadiq(61)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, nag-file ng resignation si Sadiq. Ipinatawag siya ng manager na si Saleh Al-Ghamdi. Hindi rin makapaniwala ang mabait na manager sa biglaang pagbibitiw ni Sadiq.

“Muskila Sal?’’

Ano raw ang problema ni Sadiq at nag-resign.

Sinabi ni Sadiq ang dahilan. Health problem ng asawang si Gina. Kaila­ngang damayan ang asawa sa oras ng panga­ngailangan. Hindi siya mapapanatag dito sa Kingdom habang ang asawa sa Pinas ay maysakit. Laban man sa kanya, kailangang mag-resign. Wala nang ibang paraan.

“I understand Sal. Don’t worry, I have something for you. Maybe it will help.”

“Shokran, Saleh Sir.’’

“Mafi muskila,’’ sabi ng mabait na boss at tinapik siya sa balikat.

Habang palabas ng opisina ng kanyang boss ay nangingilid ang luha ni Sadiq. Napakabuti ni Saleh. Labis ang pagkaawa sa kanya dahil sa nangyari.

Maging ang mga kasamahan niya sa trabaho nang malaman ang nangyari sa misis ni Sadiq ay nag-abot ng tulong pinansiyal. Nag-ambag-ambag. Maski si Pakito ay malaki ang iniambag. Hindi makapaniwala si Sadiq na matulungin si Pakito.

“Huwag kang mawawalan ng pag-asa Sadiq,” sabi ni Pakito. “Kaya mo ‘yan.’’

“Salamat Pakito.’’

MAKALIPAS pa ang isang buwan at handang-handa na si Sadiq sa pag-alis. Naipadala na niya lahat ang mga gamit sa pamamagitan ng sea cargo.

Habang iniimpake niya ang mga damit ay nano­nood si JayR.

“Kapag nagbakasyon  ka JayR huwag kang ma-kakalimot dumalaw sa bahay sa Makati ha?’’

“Oo naman.’’

“Kailan ba ang iskedyul ng uwi mo?’’

“December. Pasko. Punta ako sa inyo. Dun ako magpapasko.’’

Maiiyak na naman si Sadiq. (Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(61)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with