^

True Confessions

Sadiq (60)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ILANG minutong nag-usap sina Sadiq at asawang si Gina. Habang nag-u­usap, tumutulo ang luha ni Sadiq. Halos hindi nagsasalita si Sadiq at nakikinig lamang sa sinasabi ng asawa. Patangu-tango at pailing-iling si Sadiq.

Nang matapos sa pakikipag-usap ay ilang saglit na natigilan si Sadiq. Para bang hindi makapaniwala sa pinag-usapan nila ni Gina.

Nagulat pa si Sadiq nang tapikin ni JayR.

‘‘Anong nangyari Sa­diq? Ba’t ka umiiyak?’’

“Masamang balita, JayR.’’

“Anong balita?’’

Hindi sumagot si Sadiq.

Panay ang buntong-hi­ninga nito.

“Anong balita Sadiq?’’

Tumingin si Sadiq.

“May cancer si Gina, JayR. Stage 4.’’

Shock si JayR. Yun pala ang dahilan kaya umiyak ito kanina habang nakikipag-usap.

“Hindi ko inaasahan ito, JayR. Mabigat ang problema ko naming mag-asawa.’’

“Huwag kang mawalan ng pag-asa, Sadiq.’’

“Baka hindi ko na tapusin ang kontrata ko JayR. Uuwi ako para mapaglingkuran ang asawa ko. Hindi ako magkakaroon ng kapanatagan dito.’’

“Palagay ko tama ang pasya mo Sadiq. Kailangang nasa piling ka ni Gina ngayon.’’

“Mahal na mahal ko si Gina, JayR. Hindi ko makakaya kung mawawala siya sa akin.’’

“Alam ko kung gaano mo siya kamahal. Pero huwag kang mawawalan ng pag-asa. Maraming kaso na gumaling sa kanser. Maraming cancer survivor.’’

“Tulungan mo akong magdasal, JayR.’’

“Oo naman. Ipagdarasal ko ang reco­very ni Gina.’’

“Hindi ko makakaya kapag nawala siya. Paano kaming mag-aama kapag nawala ang asawa ko?’’

“Huwag kang mag-isip ng ganyan, Sadiq. Magtiwala ka sa tulong ng Diyos. Sa Kanya ka kumapit.’’

Nakita ni JayR ang pagbukal ng luha sa mga mata ni Sadiq. Awang-awa siya sa kaibigan.                                                (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with