^

True Confessions

Sadiq (37)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MABILIS ang proseso ng pagkaka-hire sa pinsan ni Sadiq at misis nito. Mahigit isang buwan ay nasa Saudi na. Lalo nang natuwa ang bossing na si Saleh Al-Ghamdi kay Sadiq dahil mayroon na siyang driver at maid. Wala na raw siyang problema, sabi pa ng mabait na Arabo. Pinuri rin agad ang pinsan ni Sadiq dahil mahusay na driver at magaling din ang misis nito sa gawaing bahay. Mahusay pa raw sa English ang mga ito kaya walang problema sa communications.

“Natutuwa ako at mabait ang napuntahang amo ng pinsan kong si Jojo. Hindi na ako magworry.’’

“Oo nga.’’

“Mabuti at na-suggest mo sa akin na couple ang kunin. Galing mo talaga JayR.’’

“E di bilib ka na sa akin?’’

“Oo naman. Noon pa bilib na ako sa’yo. Sarap mo ngang halikan.’’

“Para kang bakla!’’

Tinampal ni Sadiq sa hita si JayR.

 

ISANG gabi, nagising si JayR na wala sa kama si Sadiq. Nasaan kaya? Takang-taka siya!                                   (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with