^

True Confessions

Sadiq (32)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGTUNGO si Sadiq sa opisina ng boss na si Saleh Al-Ghamdi. Naiwan­ namang nag-iisip si JayR kung bakit tinawag si Sadiq. May nagawa ka­yang kasalanan si Sadiq? Baka naman dadagda­gan uli ng suweldo? Pero imposible iyon dahil kada­dagdag lamang ng sahod sa kanila. Maaaring­ may mahalagang ipagagawa ang boss kay Sadiq.

Kalahating oras si Sa­diq sa opisina ni Al-Ghamdi bago lumabas­. Inorasan ni JayR nang pumasok ito kanina. Muk­hang mahalaga ang pinag-usapan ng dalawa kaya matagal si Sadiq.

Nakangiti si Sadiq nang lumabas sa opisina. Mukhang may magandang nangyari.

“Anong nangyari Sa­diq? Anong sinabi sa’yo? Ang tagal mo dun ah!’’

“Nagtatanong lang kung paano makakakuha ng maid o DH sa Pinas si bossing. Ihanap ko raw.’’

“Anong sabi mo?’’

“Sabi ko titingnan ko.’’

“Mayroon kang alam na magdi-DH?’’

“Meron pero hindi ko alam kung papayag.’’

“Magkano raw su­weldo?’’

“Hindi sinabi ni Al-Ghamdi.’’

“Paano yun?’’

“Bahala na. Mahirap din kasing makipagkumpromiso at baka mapahamak ang DH na kababa­yan natin. Maski ba kilala ko si bossing e paano ang asawa niya.’’

“Akala ko ba binata yan?’’

“Nagtataka nga ako e. May asawa pala.’’

“Mahirap nga yan. Baka masungit ang asawa e maltratuhin ang maid. Kawawa naman.”

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with