Sa Piling ng Kalapati (145)
“BOYFRIEND mo na si Joshua ano Ruth?”’ tanong ni Mommy Donna.
“Opo. Kasasagot ko lang. Nakorner ako. Iba kasi ang style ng lalaking iyon. Maraming pasakalye pero hindi ako makatanggi.’’
“E paano love mo rin siya.’’
“Ano sa tingin mo Mommy?’’
“Aprub nga sa akin. Hindi ka nagkamali kay Joshua, Ruth.’’
“Ipinagmalaki kita sa kanya Mommy. Sinabi ko ang lahat ang tungkol sa’yo. Sabi ko, ikaw ang number 1 mommy. Walang makakapantay.’’
“Itinaas mo pala ako nang todo!’’
“Dapat lang naman. At sabi ni Joshua, kung siya rin daw ang nasa kalagayan ko, ipagmamalaki ka rin daw niya.’’
“Maligaya ako para sa iyo Ruth na nakatagpo ka nang mapagmahal na lalaki. Lahat nang suwerte ay nasa’yo.’’
KINABUKASAN, sa office ni Ruth, lumapit si Menchie.
“Ba’t hindi ko na nakikita si Pogi sa department natin?”’
“Hindi ko alam!’’
“Baka binasted mo!’’
Hindi nagsalita si Ruth.
“Sayang, handa pa namang malaglag ang panty ko para sa kanya tapos hindi na nagpakita.’’
(Itutuloy)
- Latest