^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati(85)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKADAMA ng panghihinayang si Mommy Donna sa mga sinabi ni Danilo. Kahit ilang beses na niyang sinabi sa sarili na hindi na siya umaasang babalik pa ang sinasabi ni Danilo na Japanese na naghahanap sa kanya, ngayo’y nakadarama siya nang panghihinayang. Hindi niya maintindihan ang sarili. Sabi rin sa kanya ni Ruth noon, huwag nang umasa at ilibing na sa limot ang lahat. Pero hindi ganoon kabilis gawin iyon.

“Kapag may naghanap uli sa akin, paki-text mo sa akin, Danilo. Ito ang number ko,” sinabi ang cell number niya. Pagkatapos ay kumuha ng pera sa kanyang bag. Isang libong piso! Iniabot kay Danilo.

“Ang laki naman nito Mam Donna. Paano kung hindi na bumalik yun?’’

“Okey lang. Bigay ko sa’yo yan. Basta kung ma­kita mo uli at magtanong sa’yo kunin mo ang name at i-text mo sa akin. Huwag mong ibibigay ang number ko ha?’’

“Yes Mam Donna.’’

“Akong bahala sa’yo, Danilo. Pupuntahan uli kita rito para bigyan ng pera.’’

“Salamat Mam Donna.’’

“Hindi ka naman aalis sa lugar na ito ano?’’

“Hindi Mam Donna. Dito lang ako paikut-ikot. Wala naman akong ibang lilipatan. Buti ka pa Mam Donna at asensado na.’’

“Dahil sa anak ko kaya nabago ang buhay ko. Ma­bait kasi at responsible ang anak ko.’’

“Sana ganyan din ang anak ko Mam Donna. Sana makaahon din ako sa buhay.’’

“Makakaahon ka. Basta isipin mo lang na makaka­ahon ka.’’

Nagpaalam na si Mommy Donna kay Danilo.

 

IKINUWENTO ni Mommy Donna kay Ruth ang pagtungo niya sa dating lugar na tinirahan noon.

“Kinausap ko yung tambay na si Danilo. Tina­nong ko kung nagbalik ang lala­king naghahanap sa akin noon. Hindi na raw bumalik.’’

“Umaasa ka pa rin, Mommy?’’

“Oo.’’

“Na yung Japanese­ na naghahanap sa’yo ay si Toshi.’’ Tumango si Mommy Donna.

“Pero di ba sabi mo nun, imposible na dahil tutol sa’yo ang mga parents ni Toshi. Isa pa, imposibleng pumunta rito ang dati mong asawa. At di ba suklam ka na sa kanya.’’

“Aywan ko Ruth. Hindi ko alam kung bakit.’’

“Iniisip mo kasing buhay si Keiko kaya pawang positive ang naiisip mo.’’

Tumango si Mommy Donna.

MAKARAAN ang ilang araw, ang dati namang tirahan ng kapatid na babae ni Mommy Donna ang hinanap niya, Kahit alam niyang galit sa kanya ang kapatid, hindi pa rin niya matiis. Nasasabik siya sa kapatid.

Pero tila wala na sa dating tirahan sa Sta. Ana ang kapatid. Gusto niyang maiyak. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with