^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (80)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ARAW nang pag-alis nina Ruth at Mommy Donna patungong Bangkok. Excited si Mommy Donna. Ngayon na lamang uli siya makakapagbiyahe mula nang bumalik mula sa Japan, mahigit 20 taon na ang nakararaan. Akalain ba niya na makakapagbiyahe siya patungong Bangkok. Kung hindi kay Ruth, baka nanatili na lamang siya sa mabahong “putikan”.

Habang nasa eropla­no, kuwento nang ku­wen­to si Mommy Donna.

“’Yung una kong sakay sa eroplano, tatanga-tanga ako. Hindi ko alam kung paano pupunta sa CR. Parang mahihilo ako, he-he-he!’’

“Mabuti ka nga ilang beses nang nakasakay ng eroplano e ako nga­yon pa lang,’’ sabi ni Ruth.

“Ay oo nga pala ano! Talo pa pala kita, he-he-he! Magtanong ka lang sa akin, ha, libre naman ang pagtatanong...’’

Palihim na kinurot ni Ruth ang ina-inahan.

Napaangat sa upuan si Mommy Donna habang pinipigil ang pagtawa.

‘‘Ilang araw ba tayo sa Bangkok?’’ tanong nito.

“Four days. Isang araw yung conference ko sa isang hotel kaya tatlong araw tayong ma­mamasyal.’’

“Ay ang sarap!’’

“Medyo makaka­pagrelaks kahit trabaho pa rin itong lakad na ito. At least kasama na ang paglalamiyerda.’’

“Sana laging ganito, Ruth. Sana lagi mo akong sosorpresahin.’’

“Marami pang kasunod ito, Mommy.’’

“Masaya ako Ruth. Masayang-masaya.’’

Humilig si Mommy Donna sa balikat ni Ruth. Hindi mailarawan ang nararamdaman niyang kasiyahan.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with