^

True Confessions

Salome (65)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TINAPOS ni Amy ang pa-liligo. Pakiramdam niya’y nawala ang mga matang nakasilip at pinanonood ang kanyang paliligo. Baka nga guniguni lang niya iyon.

Sino ba naman ang maninilip sa kanya sa bahay na ito ay dalawa lang naman ang lalaki --- si Sir Hector at si Rocco. Pero wala si Sir Hector dahil nasa Singapore. Si Rocco naman ay nagkukulong sa kuwarto. Hindi lumalabas kahit abutin ng ilang linggo. Masyadong busy sa ginagawa sa kuwarto. Baka naman doon ito “nagpapakabangag”?

Sino ang maaaring mamboso sa kanya? Baka naman si Salome? Baka hindi niya alam na tibo pala si Salome.

Napailing-iling si Amy. Hindi tibo si Salome. Girl na girl ito.

Nagbalot siya ng tuwalya sa katawan. Sa kuwarto na siya magbibihis.

Bago lumabas sa banyo, muli niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng banyo. Wala talaga siyang makitang butas na maaa-ring gamitin sa paninilip. Siguro nga’y guniguni lang iyon. Huwag na niyang isipin iyon.

Lumabas na siya ng banyo.

Nang nakakailang hakbang na siya mula sa banyo ay may tumawag sa kanya.

“Amy!’’

Lumingin siya. Si Rocco! Anong ginagawa ni Rocco rito?

“Amy!’’ Tawag uli ni Rocco.

“Ano yun, Rocco?’’

“Mag-usap tayo!’’

“Tungkol saan?’’

“Dun sa sinabi mo minsan na mayroon ka pang nabisto sa akin.’’

“Anong pag-uusapan natin dun?’’

“Ano yung nabisto mo?’’

“Wala.’’

“Anong wala? May sinabi ka. Ano yun?’’

“Wala nga. Hindi totoo yun.’’

“Meron! Sabihin mo!’’

“Wala nga!’’

“Mayroon akong ipakikita sa iyo kapag hindi mo sinabi. Baka mapahiya ka.’’

Nagtawa si Amy.

“Gumaganti ka Roc.’’

“Sabihin mo na kung ano ang nabisto mo.’’

“Ayaw ko nga.”

“Magsisisi ka, Amy.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SM MALL OF ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with