^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (23)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANONG  pangalan ng kaibigan ni Cristy na gumawa ng sulat?” tanong ni Nanay Cion.

“Imelda.”

“Nasa Saudi pa kaya siya, Ado?”

“Siguro.”

“Alam na kaya niya ang nangyari kay Cristy na namatay ito sa panga­nganak?”

“Siguro hindi pa. Eto ngang sulat ni Cristy para sa kanya ay hindi na naihulog. Nagtataka ako kung bakit hindi niya naihulog ang sulat. Palagay ko, nabisto na siya ni Ipe nang panahong iyon kaya hindi na niya naihulog ang sulat. Natagpuan ko ang sulat sa pagitan ng mga damit.’’

“Hindi kaya nabasa    rin ni Ipe ang sulat ni Cristy kay Imelda?”

“Palagay ko hindi dahil sarado pa ang sulat. Baka naitago agad ni Cristy.”

“Kung nabasa niya ang sulat baka lalo pang masama ang nangyari, Ado?”

“Oo. Kasi nasa sulat ang pananakit ni Ipe kay Cristy. Madalas palang maglasing si Ipe mula nang malaman na kusa palang nagpagalaw sa tinedyer na amo si Cristy. Kapag nalasing, ginugulpi. Natatandaan ko nga noon na may pasa sa pisngi si Cristy. Nang tanungin ko, nabangga raw sa haligi. Yun pala sinuntok ni Ipe.’’

Napaiyak na naman si Nanay Cion. Nakatingin naman ang apo na si Sam sa kanyang lola. Karga ni Nanay Cion si Sam. Nagtataka si Sam kung bakit umiiyak ang kanyang lola.

“Napakasama pala nang naging karanasan ng anak natin, Cion. Ang hindi ko maisip ay kung bakit nagawa niyang magpagalaw sa Arabo. Ano kaya yun, kinati o talagang wala na siyang pagmamahal sa asawang si Ipe?”

Hindi makasagot si Na­nay Cion. Hindi rin marahil niya maisip kung bakit nagawa iyon ni Cristy.

“Mabait naman dati si Ipe di ba? Masipag naman. Malaking palaisi-pan sa akin.’’

“Huwag na nga nating pag-usapan ‘yan, Ado. Lalo lang sumasakit ang kalooban ko.’’

“Mabuti pa nga. Nga-yong alam na natin ang lihim ni Cristy, itago na nating tuluyan. Wala na namang magagawa pa. Hindi na maibabalik ang nakaraan. Basta tahimik na tayo.’’

“Oo Ado. Basta palakihin na lang natin si Sam. Siya na lang ang pagtuunan natin ng panahon.”

“Tama ka, Cion.’’

HINDI na nga nila pi­nag-usapan ang tungkol kay Cristy. Maski kay Brenda na nakatuloy sa kanila ay hindi sila nagkuwento ukol sa “lihim”.

Patuloy naman si   Bren­ da sa pagpapasuso kay Sam.

“Ang lakas pa ring su­muso ni Sam, Nanay Cion.”

“Hindi pa maawat. Kakahiya sa’yo, Brenda.”

“Okey lang Nanay. Kailangan pa ni Sam ang gatas ko.’’

“Salamat, Brenda.”

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENDA

CION

CRISTY

IMELDA

IPE

NAGTATAKA

NANAY CION

SULAT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with