^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-58 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat)

"O ba’t umiiyak ‘yan?" narinig kong tanong ni Tatay kay Inay. Lalo namang inilakas ni Ate Neng ang paghikbi. Hindi naman kaagad sumagot si Inay sa tanong ni Tatay.

"Ba’t ka umiiyak Neng?"

Patuloy sa paghikbi si Ate Neng. Parang lalo pang nagpaawa kay Tatay.

"Pinagalitan ko," sabi ni Inay.

"Ba’t mo pinagalitan?"

"E may boyfriend na pala ‘yan hindi mo pa alam."

"Boyfriend?" tumaas ang boses ni Tatay.

"May nakakita na ka-wahak-kamay habang nasa National Bookstore."

"Totoo ba Neng?"

"Hindi po Tatay! Wala po akong boyfriend!" matigas pa ring tanggi ni Ate Neng. Ang pagsisinungaling ay lumalaganap na. Mahusay nang magkaila. Magaling nang umarte.

"Magsabi ka nang totoo kung ayaw mong masaktan."

"Wala po akong boyfriend. Wala talaga tatay," at ipinagpatuloy ang pag-iyak.

"Sino ang paniniwalaan ko sa inyong dalawa?"

"Ako po Tatay. Nagsasabi ako ng totoo. Wala talaga akong boyfriend."

Tumingin si Tatay kay Inay. Nang mga sandaling iyon ay binabayo ng matinding kaba ang dibdib ko. Patuloy kaming nakasilip sa awang ng pinto.

"Sino bang nagsabi sa’yo Linda na may boyfriend na si Neng?"

"Hindi ko sasabihin pero kitang-kita ang ginagawa ni Neng at boyfriend niya. Nakikipaglambutsingan na ‘yan. Kaya pinagalitan ko. Pag-aaral ang asikasuhin."

"Sino ang nagsabi? Ba’t ayaw mong sabihin?"

"Hindi na mahalaga basta’t pagsabihan mo ang anak mo. Baka hindi ‘yan makatapos ng pag-aaral."

"Paano ka naman nakasiguro na totoo ang sinabi. Malay mo, kasabay lang sa pagpunta sa National ang lalaki, e boyfriend na. Mahirap ‘yan. Sino ba ‘yon?"

At hindi ko akalain na ako ang ingunguso ni Ate Neng. Tama ang hula ko, ako ang pagbibintangan niya.

"Tatay si Marisol ang nagsumbong kay Inay. Gustong gumanti sa akin."

"Huwag mong pagbintangan si Marisol!" sabi naman ni Inay.

Subalit sumiklab na si Tatay nang marinig ang pangalan ko.

"Marisol! Marisol!" ang tinig ay parang dumadagundong na kulog. Dumalas nang dumalas ang bayo sa aking dibdib. (Itutuloy)

vuukle comment

ATE NENG

BOYFRIEND

INAY

MARISOL

NENG

SINO

TATAY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with