^

PSN Showbiz

Idinemanda ni Dindi, nakakaranas ng matinding panlalait!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

  Hindi shocking ang mga balita na nakakaranas ngayon ng bashing sa Twitter si Kimberly Cox, ang girlfriend ni Frank Miller na nang-abuso sa kabaitan ni Dindi Gallardo.

Umaani ngayon si Kimberly ng mga panglalait sa Twitter mula nang ma-discover ng mga Pinoy ang kanyang account name. Kung tutuusin, balewala ang mga natatanggap ngayon ni Kimberly compared sa kabalahuraan niya.

Kadiring babae si Kimberly na hindi marunong magtapon ng kanyang sanitary napkin at sariling dumi. Very dirty ang hitad sa paningin ng lahat, lalo na nang mabunyag ang kanyang kasamaan.

Kasalanan ni Kimberly ang lahat. Kung hindi siya nang-api ng kapwa at nanglait ng lahi, tahimik sana ang kanyang buhay. Siya rin ang nag-imbita sa mga tao para i-judge ang mga kagagahan niya.

Kung idedemanda ni Kimberly ang kanyang haters, baka maubos ang kadatungan niya dahil sa rami ng mga imbiyerna sa kanya.

Abogado magsasalita na sa puno’t dulo ng kaso

Watch ninyo ngayong hapon ang Startalk dahil may story kami tungkol sa celebrated case na kinasasangkutan ni Dindi at ng kanyang bigtime emplo­yer.

Hindi puwedeng magsalita si Dindi kaya sisikapin ng Startalk staff na makuha ang panig ng kanyang lawyer na si Atty. Matthew Blit.

Nasa posisyon si Blit para magpa-interbyu dahil pinag-aralan niya ang lahat ng anggulo bago siya nagsampa ng kaso.

Hawak na ng Startalk staff ang e-mail address at telephone number ng New York office ni Blit.

Dapat panoorin ng mga kababayan natin ang Startalk para malaman nila ang puno’t dulo ng pagsasampa ni Dindi ng demanda laban sa sikat na comic book writer.

Marami sa mga kababayan natin ang basta na lamang nagbibigay ng opinyon nang hindi nalalaman ang buong pangyayari. Sila ang mga tao na makiki-tsismis lang mali-mali pa pero parang authority kung magsalita.

Ang mga kagaya nila ang dapat na nakakatapat ni Kimberly.

Album ni Alden, inaabangan  na ng fans

Magkakaroon ng sariling record album si Alden Richards kaya tuwang-tuwa ang kanyang mga tagahanga.

Magsisimula pa lamang ang recording ni Alden pero asking na ang kanyang fans sa release date ng album niya.

Uso na uli ang mga dramatic actor na binibigyan ng record album. Nauna na si Paulo Avelino at sinundan ito ni Alden.

Ang Indio ang next project ni Alden, pagkatapos ng One True Love. Ang Indio ang epicserye na pagbibidahan ni Sen. Bong Revilla, Jr. Hindi kakandidato si Bong sa 2013 elections kaya walang conflict sa telecast ng Indio sa susunod na taon.

Handang-handa na si Bong sa taping ng kanyang unang fantaserye sa telebisyon.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG INDIO

BONG REVILLA

DINDI

DINDI GALLARDO

FRANK MILLER

KANYANG

KIMBERLY

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with