^

PSN Showbiz

BB Gandanghari, iba ang hitsura ng mukha 'pag walang make-up!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Walang make-up si BB Gandanghari sa litrato na nakita ko kaya alam ko na kung sino ang kanyang kamukha, ang Fil-Am transgender na si Donita Gold!

Naging kontobersyal si Donita dahil idinemanda niya noon ang US Department of Homeland Security na tumanggi na bigyan ng visa ang kanyang fiance dahil pareho sila ng gender.

Gumawa ng kasaysayan si Donita dahil headline sa mga diyaryo sa buong mundo ang kanyang kaso. Nakatanggap din siya ng suporta mula sa mga gay at lesbian pero hindi natuloy ang pagpapakasal nila ng kanyang Filipino boyfriend.

Kabilang si Donita sa mga nag-react nang maging BB Gandanghari si Rustom Padilla. Hindi nagustuhan ni Donita ang mga litrato ni BB na may hawak na sigarilyo dahil un-ladylike raw ito.

Hindi pa nagkakaroon ng chance na magkita ng personal sina Donita at BB pero kung magkakatagpo sila, parang nasa harap lamang sila ng salamin dahil sa pagkakahawig nila. Aktres ang turing ni Donita sa sarili kaya puwede silang gumanap ni BB bilang magkapatid.

Pagkamatay ni Ramgen tahimik na

One year na sa October 29 ang pagpaslang kay Ramgen Revilla pero hindi pa nahuhuli ang mga utak ng pagpatay sa kanya.

Wala na tayong news tungkol kay Ramona Revilla, nanahimik na rin si Genelyn Magsaysay at nasa kulungan pa rin ang mga suspect.

Siguradong mapag-uusapan ang pinakamai­ngay na krimen noong nakaraang taon sa paggunita sa unang anibersaryo ng kamatayan ni Ramgen sa October 29.

Kapatid ni Aljur nanghihingi ng tulong

Hinihingi ni Vin Abrenica ang suporta ng kanyang mga kaibigan at fans para siya ang tanghalin na winner sa grand finals ng Artista Academy sa October 27.

Si Vin ang nakababatang kapatid ni Aljur at gaya ng kanyang kuya, type niya na magkaroon ng puwang sa showbiz.

Isa si Kylie Padilla sa mga supporter ni Vin na hindi nakapagtataka dahil maugong ang tsismis na nagkabalikan sila ni Aljur.

Don’t Say Goodbye ng A Secret Affair malakas ang recall

Si Nina ang kumanta ng Don’t Say Goodbye, ang theme song ng A Secret Affair, ang pelikula nina Derek Ramsay, Anne Curtis, at Andi Eigenmann.

Malaking tulong ang theme song ng A Secret Affair kaya lalong lumakas ang recall nito sa mga tao. Showing sa mga sinehan sa October 24 ang bongga at pinag-uusapan na pelikula ng Viva Films. Pinag-uusapan dahil click na click sa mga Pinoy ang trailer at malulutong na linya sa A Secret Affair.

vuukle comment

A SECRET AFFAIR

ALJUR

ANDI EIGENMANN

ANNE CURTIS

ARTISTA ACADEMY

DAHIL

DONITA

SAY GOODBYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with