^

PSN Showbiz

LT gustong humaba ang buhay, ayaw mag-direk ng drama series

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Maaga ang contract signing kahapon ni Lorna Tolentino sa 16th floor ng GMA Network Center Inc.

Dalawang taon ang contract ni LT sa GMA 7 pero hindi na siya babalik bilang co-host ng Startalk. Mga drama series ang gagawin ni LT sa Kapuso Network. Ayaw rin niya na maging direktor ng mga teleserye dahil gusto ni LT na humaba pa ang kanyang buhay. May karapatan si LT na mag-direk dahil nag-aral siya ng filmmaking sa US pero hindi niya type ang mga pressure ng pagiging direktor ng mga drama series.

Katulad nang ikinuwento ko noon, sina Dingdong Dantes at Kylie Padilla pa rin ang co-stars ni LT sa kanyang unang drama series sa bagong kon­trata niya sa GMA 7. Shelved na ang Haram pero nakahanap ng mas magandang materyal ang mga bossing ng Kapuso Network.

Mapapanood agad sa November ang teleserye nina LT, Dingdong at Kylie. Si Maryo J. delos Reyes pa rin ang direktor ng project na ipinalit sa Haram.

Cong. JV nagsalita sa naging ‘relasyon’ kay Rufa Mae

Lagare kahapon ang entertainment press dahil mula sa contract signing ni LT, dumiretso sila sa  meet the press ni Congressman JV Ejercito ng San Juan.

Early bird si JV na nakipag­kuwentuhan agad sa mga reporter at sinagot ang lahat ng mga kontrobersiyal na question tulad ng rivalry nila ng kanyang kapatid na si Jinggoy, ang special friendship nila ni Rufa Mae Quinto at ang pagkandidato niya bilang senador sa susunod na taon.

Ang sey ni  Papa JV, okey na ngayon ang relasyon nila ni Jinggoy. Nagkaroon daw sila noon ng gap dahil sa sulsol ng mga tao sa kanilang paligid.

Friends lamang daw sila ni Rufa Mae na nakilala niya noong wala pang name ang sexy comedienne. Na-link noon ang dalawa pero wala silang direktang kumpirmasyon na may relasyon sila. Sadyang kapalaran ni Rufa Mae na maugnay sa mga pulitiko na anak ng mga ex-president.

Seryoso si Papa JV sa kanyang intensiyon na kumandidatong senador sa ilalim ng political party ng UNA. Inspirado siya sa pagtakbo dahil maganda ang resulta ng rating niya sa mga survey.

Hindi inililihim ni Papa JV na dalawa na ang kanyang anak, isang 12-years old, ang lovechild nila ng former beauty queen na si Patty Betita at ang anak nila ng kanyang misis na si Cindy.

Natawa si Papa JV nang magtanong ako kung sino sa kanila nina Papa Erap at Papa Jinggoy ang habulin ng babae. Ang tatay niya ang sagot ni Papa JV dahil guwapo at likas na lapitin ng mga babae si Papa Erap.

Na-prove ko na Ejercito talaga si Papa JV dahil generous din siya tulad nina Papa Erap at Papa Jinggoy.

Hindi ko na ikukuwento ang buong detalye ng generosity ni Papa JV na lalong minahal ng entertainment press.

Suportado ni Papa Erap ang candidacy ni Papa JV. Kandidatong mayor ng Maynila si Papa Erap pero naglaan siya ng oras para ipangampanya si Papa JV.

I’m sure, si Papa Jinggoy naman ang tatanungin ng press sa mga pahayag ni Papa JV tungkol sa kanilang relasyon bilang half-brothers

Siyempre, type ng mga reporter na marinig ang reaksiyon ni Papa Jinggoy, sa ngalan ng patas na  pamamahayag. Patas daw o! Knowing Jinggoy, hindi siya magiging maramot sa paglalahad  ng kanyang panig.

vuukle comment

DAHIL

DINGDONG DANTES

EJERCITO

JINGGOY

KAPUSO NETWORK

PAPA

PAPA ERAP

PAPA JINGGOY

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with