^

PSN Showbiz

Ramdam ng nanay ng isang contestant, favoritism umiiral sa isang talent search

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Nag-e-emote ang nanay ng isang contestant ng talent search show sa TV. Ramdam na ramdam daw niya na umiiral ang favoritism sa talent search prog­ram na sinalihan ng kanyang anak.

May mga insidente raw na magpapatunay na pinapaboran ng judges ang contestant na mahigpit na kalaban ng kanyang anak.

Mali ang akala ni madir dahil sa paningin ng televiewers, ang anak niya ang paborito ng mga hurado. Praning siguro si madir dahil sa kagustuhan niya na ang kanyang anak ang mag-win. Gustung-gusto kasi niya na maging artista ang anak na ginagawa ang lahat para mapansin ng mga hurado at ng mga texter.

Manny may laban uli sa April

Sa Dec. 8 pa ang laban nina Congressman Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez pero balitang-balita na may boxing fight uli sa April ang Pambansang Kamao.

Masyadong excited ang boxing promoter dahil ipinakalat agad nila ang balita tungkol sa laban ni Papa Manny sa 2013. Hindi ba puwedeng mag-concentrate muna sila sa Dec. 8 fight ni Papa Manny na mangangampanya pa para sa kandidatura niya sa May 2013?

JV makikipagkita

Sosyal si Congressman JV Ejercito dahil sa mga senatoriable, siya ang unang makikipag-meet sa entertainment press. I’m sure, naniniwala si Congressman JV sa matandang kasabihan na daig ng maagap ang masipag.

Actually, naunahan na si Congressman JV ng kanyang first cousin na si Laguna Gov. ER Ejercito. Si Papa ER ang unang humarap sa entertainment press noong nakaraang linggo pero walang kinalaman sa pulitika ang pakikipagkita niya. Nag-blow out lamang si Papa ER dahil sa bagong acting award na napanalunan niya para sa kanyang pagganap sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Incidental lang na napag-usapan ang muling pagkandidato niya bilang gobernador ng Laguna sa 2013.

Dingdong lagare sa Tiktik at Belo

Magkasunod na araw pala ang presscon ni Dingdong Dantes para sa Tiktik: The Aswang Chronicles at ng Belo Essentials

Nagkaroon sana ng ilang araw na agwat para hindi magkasapawan ang mga publicity ng bagong pelikula ni Dingdong at ng kanyang product endorsement.

Si Dingdong ang celebrity endorser ng Belo Essentials Whitening Soap for Men at siya ang lead star/producer ng Tiktik: The Aswang Chronicles na ina­abangan ng moviegoers dahil sa napakaga­n­dang trailer ng pelikula. Eighteen months na ginawa ang horror movie ni Dingdong dahil binusisi ito ng husto ng direktor na si Erik Matti.

Si Lovi Poe ang leading lady ni Dingdong sa high-tech na horror film na ito. Si Janice de Belen naman ang nanay ni Lovi at mapapanood na ang pelikula sa mga sinehan sa Oct. 17.

Co-stars din sa Tiktik sina Joey Marquez, LJ Reyes, at Ramon Bautista. Hindi nahirapan ang cast sa shooting ng Tiktik dahil kinunan ang mga ek­sena nito sa isang warehouse sa FTI Taguig City. Hindi naging problema sa kanila ang malakas na ulan at baha dahil safe na safe sila sa loob ng warehouse.

vuukle comment

ASIONG SALONGA STORY

ASWANG CHRONICLES

BELO ESSENTIALS

BELO ESSENTIALS WHITENING SOAP

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DAHIL

NIYA

PAPA MANNY

TIKTIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with