^

PSN Opinyon

Masagana ang ani dahil kay Engineer Nangel

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

Kaya naman pala masagana ang ani ng mga magsasaka sa gitnang Luzon ay dahil masagana rin ang daloy ng patubig ng Department of Agriculture. Kaya matagumpay ang programa ni President Aquino sa masaganang ani. Ang National Irrigation Administration (NIA) ang nasa likod ng matagumpay na “Rice Sufficiency Program” kaya maraming palay at bigas ngayon sa mga bodega ng National Food Authority. Hindi lamang ‘yan, maging ang nagtatanim ng gulay at iba’t ibang uri ng agricultural products ay unti-unti nang nakakaahon sa kahirapan.

Salamat kay Engineer Antonio Nangel na nagmamalasakit sa agrikultura. Nabunutan ng tinik si Agriculture secretary Proceso Alcala matapos mahikayat si Nangel na mapabilang sa kanyang ahensiya. Ayon sa pagkakaa- lam ko, si Nangel ay Hall of Famer sa mga departamentong kanyang hinawakan. Isa sa mga hinawakan niya ang Upper Pampanga River Irrigation System (UPRIS). Hanggang naitalaga siyang NIA administrator. Naging mahirap kay Nangel ang pagtanggap ng posisyon sa NIA dahil mismong mga empleyado ng UPRIS ay nag-iyakan para pigilan siyang umalis. Hall of famer si Nangel sa Department of Agriculture bilang Best of the Best Regional Director noong 2007 hanggang 2009.

Nang pamunuan ni Nangel ang NIA, nalagyan ng irigasyon ang may 1.5 milyong hektaryang lupang sakahan sa bansa. Nagtagumpay ang rice sufficiency program ni Alcala. Natuwa ang Presidente sapagkat nasolusyunan ang kakulangan sa bigas. Tinatarget naman ni Nangel na pagkalooban ng tubig ang 1.8 ektarya na sakahan sa susunod na taon. Kitang-kita na ang abilidad ni Nangel sa agrikultura kaya dapat siyang suportahan ni Aquino at Alcala.

Bukod sa patubig, sinimulan din ni Nangel ang pagpapatayo ng mga mini-hydro power plant sa dams at irigasyon para makapagbigay ng kuryente. Siya ang lumutas sa kakulangan ng malinis na inuming tubig sa ilang lugar. Laging mino-monitor ni Nangel ang mga dam upang masiguro ang kaligtasan ng sambayanan tuwing sasapit ang bagyo. Congratulation Engineer Nangel.

vuukle comment

ALCALA

ANG NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

BEST OF THE BEST REGIONAL DIRECTOR

CONGRATULATION ENGINEER NANGEL

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ENGINEER ANTONIO NANGEL

HALL OF FAMER

KAYA

NANGEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with