^

Entertainment

‘New Norms, New Japorms!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�New Norms, New Japorms!�
New Norms, New Japorms! Face mask in picture has a 40-year guarantee! Pag ibang show hindi kami sure! He, he, he... by the way, on July 30, Eat Bulaga will celebrate its 41st Annivirusary! Ngek!

 My column last week was “New Normal Is No Porma!”

“New Norms, New Japorms!” ay pupwede rin pala!

New Normal is Back To Simple tayo talaga!

Waring bumalik tayo sa Luma kumbaga!

Kaya millennialism tumabi na muna,

May Linya takeover while we have this problema!

Parang rapper ang feeling ko rin syanga pala,

Laging akong In The House eh ano pa nga ba?!

Dahil sa luma, Oldies na rin hitsura,

Sarado pa salon kaya buhok puti na!

Pati lumang salita balik-alaala

Tulad ng Japorms nga at kung ano-ano pa!

Habang hinihintay pag-alis ng Corona,

Sa dati nating “normal” tayo’y umalis na!

Hindi maalis na may ilang nagdurusa,

Ginagalis kapag nasa bahay kumbaga!

Nung araw lengwahe sa “pag-alis” marami —

Tumakas, Kalas, Iskyerda, Sumimple, Batsi!

Iskyerda galing Izquierda, Kastila syempre,

Spanish ng Kaliwa, in English Left kasi!

Ngek! Past tense nga ng Leave kaya umalis na nga!

At yung kasabihan naman na Nangaliwa,

Nakakasiguro akong dun din nagmula

Pagkat Left the partner for another ginawa!

Actually, not Right ginawa, nag-Left nga naman!

At upang inyo pang lalong maunawaan —

Ang sabi, Kanan pinaikling Katahanan,

At yung Kaliwa pinaikling Kaaliwan!

At ayon naman sa ibang may kapilyuhan,

Isang Kabiyak Ng Puso ang Unang Ginang,

OFW … Other First Wife Kabiyak lang!

Ngek! Ba’t napunta na tayo kung saan-saan?!

May sosyal na pag-alis — Umisplit pa pala,

Sa paghiwalay sa Syota ginagamit sya,

Ginagamit din sa Watiwat o asawa,

Watawat pag proud ka at ibinabandera!

Batsi baliktad ng Sibat naturalmente,

Spear in English, hmmm… from Disappear kaya? Pwede!

Sa Simple halos sumakit aking kukote!

Could be from “Sige Flee na ‘ko pare!” Posible!

Flee of course is Tumakas nang wala bang warning!

Iba naman nang-Indian at hindi dumating!

One form din ng “cheating” about coming and going!

Yan naman ay sa Cowboys and Indians nanggaling!

Kung bakit ay hindi maliwanag sa akin,

Mabuti pa “Koboy” basta Game lang ang meaning,

Maybe because naka-jeans, ready for anything!

Palaban in other words, no more acting-acting!

Sige flee, yan ay French Leave kapag high society,

Pag-alis nang walang paalam o pasabi!

Hindi kabastusan yun ‘tsaka mas mabuti

Walang paalam kaysa Huling Paalam! Ngiii!

Ang sabi nga ni Rizal, “Ang hindi magmahal

Sa sariling wika ay higit sa animal

At malansang (naku hindi magra-rhyme) … Mon-Sal!”

Sa wari ko nga’y sumobra pa ating daldal!

Lalo na sa Baklabulary o Gay Lingo!

Noon bakla o Alanganin lamang ito,

Naging Binabae at katagala’y Homo!

Naging gay, bading, badaf at kung ano-ano!

Kung may Gayspeak, mga istambay may Kanto-Nese!

Salitang kanto o kalye’y para lang Taglish,

Yung iba nga lang Tadglish … Tadbalik Na English —

Erpat, Ermat, Engki, Engkwi, Esmi At Termis!

Pati one syllable na Beach nagiging Ets-Bi!

‘Di ko maalala kung paano nangyari;

Kung paano nagsimula mga ganire!

May basta binaliktad lang like T-shirt … Shirt-Tee!

Pag may dumaang maganda Bagyo ang puna!

Kapag Talo at Panabla, Swanggay at Nget-Pa!

May simpleng baliktad lang katulad ng Rapsa,

May Haybols at Dehins na binorloloyan pa!

Sa palagay nyo ano’ng lengwahe ang mas grabe?

Salita namin nun sa aming kalyeserye

O ngayong sinasabi, “Wer na U? Hir na me!”?

Sabi ng iba lahat nagkaleche-leche!

Dahil house tayo lagi, kung saan At Home ka!

Basta Gas-Hu Ng May-Ka at Ot-Su Ng Ask-Ma!

By the way, Take Home nun ‘di fried chicken nga pala

Kung hindi Chicks sa bahay ninyo ay dinala!

vuukle comment

NEW NORMAL

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with