^

Entertainment

‘Quarantoon’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Quarantoon�
Solomon Saprid Clown: ‘Yeheyyy! Christ is risen!’ Ang Kiukok Christ: ‘Wala, huli ka na! Last Sunday pa!’ God created laughter!

Nung Miercoles Santo pinangunahan ko na —

La Estacion de la Cruz ng aming pamilya,

Sa Facebook Live ng Eat Bulaga nyo nakita,

Staycation of the Cross porque from our casa!

Tapos na Cuaresma but not La Cuarentena

Pero relajar na muna, entrar comedia!

Walang’ya Tagspanglish na aking bokadura!

Yan ang epekto ng La Cuarentena sa lengua!

Kung meron mang La Cuarentena binubunga,

Bukod sa takbo ng buhay medyo nag-iba,

Ilang tao balot man ng takot at kaba,

Dala’y pag-asa sa pagiging Humorista!

Dumagsa mga humorists sa social media!

Funny-Demic talaga sa buong planeta!

Tawag ko ay Quarantoon sa mga patawa

At sumulat at gumuhit Quarantunista!

Narito mga ilan sa naaalala —

Maaaring ang ilan inyo nang nakita,

Sana’y ito na lang impeksyon ng pagtawa

Ang dumapo’t kumalat sa lahat humawa!

Dalawang nag-uusap mukhang bored na bored na,

“Ano plano mo ngayon?” “Wala!” say nung isa!

“O kahapon mo pa ginawa ‘yan hindi ba?”

“Kapos sa oras eh hindi ko natapos sya!”

Ang susunod ay kay Michael V. ko nakita —

One-frame cartoon — Dalawang gwardya kumukuha

Sa mga dumaraan ng temperatura,

Hawak yung tinututok sa noo nung isa!

“Lobat na yan ser!” sabi nung kanyang kasama

Habang tuloy sa isang tao ang pagkuha

Using an old thermometer na pahaba pa

Sa isang nakatuwad na labas ang pwet pa!

Ngek! At kung gusto nyo pang tungkol guards na kwela,

Kung nais raw mga pasaway masawata

Na sa mga checkpoints ay nagiging problema,

Mga COVID-19 patients ang gawing gwardya!

May ngiti at tawa sa gitna ng pangamba,

Marami ring walang drawing puro lang linya,

Tulad Asymptopangit ano sya talaga?

Ito yung Nget-Pa ka pero Dehins mo Lam-A!

Ang tanonggg… Sa mga malapit manganak na,

Ipapangalan sa anak ninyo ano ba?

Levi Rustom o Via Rustica o Rona?

Lovi Rose o kaya ay Socorro Natalia?

Aba eh bakit hindi? Ano paki nila?

Eh kung gusto mo pa gawin mong Karen Tina!

Wag ka lang OA at baka higpitan mo pa,

‘Di mo palalabasin at sa bahay lang sya!

Samantala dun naman daw sa Punjab, India,

Mga tao roon hindi pa rin kilala

Kung sino nga ba at kamag-anak ba nila

Si Soshal Distan Singh na laging nababasa!

Si Mike Enriquez may post I don’t know kung kanya —

Kumain daw sya at labing-isang beses na!

At nakatulog daw sya’t sa bilang nya’y lima!

Nagtataka sya… “It’s Still Today!” Yun punchline nya!

And the winner… a one-frame Easter cartoon! Kwela!

Nung palabas na si Jesus mula sa tomb Nya…

May isang Roman soldier at sigaw sa Kanya,

“Quarantine regulations, go back inside!” Nakaaa!

He, he, he… pag quarantine ay ganyan talaga!

Idagdag pang in one day dalawang ligo ka!

May pagkakataong nakakatatlong misa!

Syempre pa apat hanggang limang pelikula!

Sa lahat ng humorists salamat nga pala,

Dalanging katulad nyo ay pagpalain pa!

Stay Home and Stay Humorous palagi sana,

Next time humor tayo at yung tumor no more na!

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with