^

Entertainment

‘One Day…Last Day’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�One Day�Last Day�
Ang Poet Nyo at the Basilica of Saint Francis of Assisi in the Umbria region, Central Italy. Saint Francis of Assisi is the Patron Saint of Animals pero mukhang mahihirapan sya sa isang hayop... Itong hayop na Coronavirus!

Natisod ko kwentong ito sa social media,

English… Tinagalog ko at nakakatawa …

Ito ay isang napakaikling istorya —

“One day may isang ateyista… last day na nya!”

Ngek! Eh yun naman ang pangyayari talaga!

“The Bear and the Atheist” ang title nya basta!

Ang isang atheist siguro’y alam nyo na,

Ang mabuti pa’y simulan natin sa una…

Namamasyal sa gubat isang ateyista,

At manghang-mangha sya sa mga nakikita —

Naglalakihang puno’t ilog na masigla

At naglalarong mga hayop na maganda!

Nang may marinig siya ‘di kaginsa-ginsa,

Nakapangingilabot na kaluskos kumbaga!

Unti-unting nagtayuan balahibo nya,

Palapit nang palapit… dinig kanyang kaba!

At mula sa sukal nanlaki kanyang mata!

Isang higanteng oso tumambad sa kanya!

Nang dambuhalang halimaw siya’y makita,

Hindi sya tinantanan at hinabol na sya!

Ibinigay nang lahat nitong ateyista

Ang kanyang tulin at lakas pagkat alam nya

Na pag galit na oso ay inabutan sya,

Mamamasyal katawan nya sa iba-iba!

Tulad inaasahan ‘di na nya nakaya,

Itong ateyista nadapa at natumba!

At higanteng oso umibabaw sa kanya!

Alam ng ateyistang katapusan na nya!

Nang malalaking pangil at kuko’y makita,

Kasabay ng pag-ungol at naglalaway pa!

Umangat na nang husto at sasalakay na,

Sya’y napapikit… “Oh my god!” ang nasabi nya!

Nang biglang ang lahat waring naging estatwa!

Nakakabinging katahimikan na muna!

At sa ‘di makapaniwalang ateyista,

Isang liwanag sumilaw sa kanyang mata!

Isang tinig nagsimulang dumagundong na,

“Itinatwa mo Ako’t hindi kinilala…

At yan sa ibang tao’y tinuturo mo pa!

Sa tingin mo ba ngayon tutulungan kita?”

“Sa Akin ba ngayo’y naniniwala ka na?”

Tiningnan ang liwanag nitong ateyista,

“Magiging mapagpanggap ako kung ngayon pa

Hihinging magtiwala ako sa ‘yo ‘di ba?”

“Kung ituturing akong Kristyano ay ‘wag na…

Hmmm… siguro itong oso pa, pupwede ba?”

Katahimikan… ang Tinig sabi sa kanya,

“Kung ganon ateyista ay masusunod ka!”

Mabalasik na mukha ng oso’y nag-iba,

Umamo… yumuko… pinikit mga mata…

Lumuhod… pinag-daop kamay at sabi nya,

“Salamat Dyos ko sa binigay Mong grasya!”

Ngek! Yan ang pinagbigyan na nag-inarte pa!

Nasa huli raw ang pagsisisi talaga!

Kay Saint Francis of Assisi nagsimba sana,

Too late… hiwalay nagsimba kamay nya’t paa!

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with